“Si Hagar,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Si Hagar,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
Si Hagar
Ang plano ng Panginoon para sa Kanyang anak na babae
Si Hagar ay tagapaglingkod ni Sara. Matanda na si Sara ngunit wala pa rin siyang anak. Sinabihan niya ang kanyang asawang si Abraham na pakasalan si Hagar upang magkaroon sila ng mga anak. Nagpakasal sina Abraham at Hagar, at hindi nagtagal ay nagdalantao na si Hagar.
Nagsimulang maging hindi maganda ang pakikitungo nina Hagar at Sara sa isa’t isa. Pinili ni Hagar na tumakas papunta sa disyerto.
Habang naglalakbay si Hagar, labis siyang napagod at nauhaw. Sa wakas, siya ay nakarating sa isang lugar na may tubig at nagpahinga roon.
Alam ng Panginoon ang tungkol sa mga suliranin ni Hagar at may plano Siyang tulungan ito. Nagsugo Siya ng isang anghel upang sabihan si Hagar na bumalik kina Abraham at Sara. Nangako Siya na lalago ang pamilya ni Hagar. Sinabi Niya na ang sanggol na isisilang niya ay isang batang lalaki at dapat niya itong pangalanan na Ismael.
Nagtiwala si Hagar sa Panginoon at sinunod niya ang anghel. Bumalik siya kina Abraham at Sara. Isinilang ni Hagar ang kanyang anak na lalaki, at ang pangalan nito ay Ismael. Alam ni Hagar na binabantayan siya ng Panginoon.