Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Hunyo 24–30. Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; Juan 20–21: ‘Siya’y Nagbangon’


“Hunyo 24–30. Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; Juan 20–21: ‘Siya’y Nagbangon’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Hunyo 24–30. Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; Juan 20–21,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2019

kinakausap ni Jesus si Pedro

Feed My Sheep, ni Kamille Corry

Hunyo 24–30

Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; Juan 20–21

“Siya’y Nagbangon”

Simulan ang iyong paghahanda sa pagbabasa ng Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; at Juan 20–21. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at ang outline na ito ay makakatulong sa iyo na pumili ng mga alituntunin sa mga kabanatang ito na magiging makabuluhan sa mga bata sa iyong klase.

Itala ang Iyong mga Impresyon

sharing icon

Mag-anyayang Magbahagi

Ang pagtingin sa isang larawan ay makakatulong sa mga bata na maalala ang mga bagay na natutuhan nila sa bahay o sa iba pang lugar. Marahil ay maaari mong ipakita ang larawan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at hilingin sa mga bata na ibahagi ang nalalaman nila tungkol sa kuwento na ipinapakita sa larawan.

teaching icon

Ituro ang Doktrina

Mga Batang Musmos

Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; Juan 20:1–23

Tulad ng nangyari kay Jesus, muli akong mabubuhay matapos na ako ay mamatay.

Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, kabilang na ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, ay ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan, at ito ang pundasyon ng pananampalatayang Kristiyano. Habang binabasa mo ang tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli, pagnilayan kung paano mo tutulungan ang mga bata na mapalakas ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ikuwento ang tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesus sa sarili mong mga salita. Sabihin sa mga bata na isa-isa nilang isalaysay muli sa iyo ang kuwento. Maaari kang sumangguni sa “Kabanata 54: Nagbangon si Jesus,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 139–44. Ipaliwanag na nang mamatay si Jesus, humiwalay ang Kanyang Espiritu sa Kanyang katawan. Noong Siya ay nabuhay na mag-uli, ang Kanyang Espiritu at Kanyang katawan ay muling nagsama.

  • Anyayahan ang ilang miyembro ng ward na gumanap bilang mga sundalo, mga anghel, Maria Magdalena, Pedro, Juan, mga disipulo, at Tomas at ikuwento ang nasaksihan nila matapos ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesus.

  • Bingo Magpatotoo na ang bawat tao ay mabubuhay na mag-uli balang-araw. Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang kanilang mga patotoo.

  • Isipin na sama-samang kantahin ang “Si Jesus ba ay Nagbangon?” at “Sa Kanyang Pagbabalik,” Aklat ng mga Awit Pambata, 45, 46. Sabihin sa mga bata na isipin kung ano kaya ang pakiramdam na makita ang nabuhay na mag-uling si Jesus. Ipabahagi sa klase ang kanilang mga iniisip.

Juan 20:24–29

Kaya kong manampalataya kay Jesucristo kahit na hindi ko Siya nakikita.

Isipin kung paano mo matutulungan ang mga bata na maunawaan ang kahulugan ng pananampalataya at kung paano nila maipapakita ang kanilang pananampalataya sa Tagapagligtas.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ibuod ang kuwento tungkol sa karanasan ni Tomas sa Juan 20:24–29. Isalaysay muli ang kuwento kalaunan sa aralin, ngunit sa pagkakataong iyon ay sabihin sa mga bata na ibigay ang ilang detalye.

  • Magpakita ng isang kahon na may isang bagay sa loob na hindi nakikita ng mga bata, at ilarawan ang bagay sa mga bata. Itanong sa kanila kung naniniwala sila na ang bagay ay nasa loob talaga ng kahon at bakit. Pagkatapos ay ipakita sa kanila ang bagay, at ipaliwanag na ang pananampalataya ay paniniwala sa mga bagay na hindi natin nakikita. Ang pinakamahalaga sa lahat ng pananampalataya na magkakaroon tayo ay ang pananampalataya kay Jesucristo.

si Jesus na nagpapakita ng mga kamay sa mga apostol

Masdan ang Aking mga Kamay, ni Jeff Ward

Juan 21:15–17

Maipapakita ko ang pagmamahal ko para kay Jesus sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba.

Paano mo mahihikayat ang mga bata na mahalin at tulungan ang mga nasa paligid nila?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Basahin ang Juan 21:15–17. Hindi ninais ni Jesus na gugulin ni Pedro ang lahat ng kanyang panahon sa pangingisda. Sa halip, gusto niya na ibahagi ni Pedro ang ebanghelyo at anyayahan ang lahat na lumapit sa Kanya. Bigyan ang bawat bata ng papel na tupa, at sabihin sa kanila na isulat dito ang isang bagay na magagawa nila para tumulong na mapakain ang mga tupa ni Jesus.

  • Hilingin nang maaga sa ilang bata na ibahagi ang mga bagay na ginagawa nila para mahalin at paglingkuran ang iba, o mga paraan na napaglingkuran sila ng iba.

  • Isulat ang pangalan ng bawat bata sa iyong klase sa mga piraso ng papel na hugis ng tupa, at ikalat ang mga tupang ito sa palibot ng silid. (Isama ang mga pangalan ng mga bata na hindi dumadalo nang regular.) Sabihin sa mga bata na tipunin ang mga tupa sa pamamagitan ng paghahanap ng tupa na may nakasulat na pangalan nila. Ano ang magagawa natin para paglingkuran ang sinumang nawawalang tupa na maaaring kilala natin?

teaching icon

Ituro ang Doktrina

Nakatatandang mga Bata

Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; Juan 20:1–23

Dahil si Jesus ay nabuhay na mag-uli, ang bawat isa ay mabubuhay na mag-uli.

Likas sa mga bata na mag-isip kung ano ang mangyayari kapag tayo ay namatay na. Isipin kung paano mo maituturo ang tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli sa paraang mapapatatag ang kanilang pananampalataya.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Sabihin sa mga bata na ipikit ang kanilang mga mata at isipin na sila ay nakaupo sa tabi ng libingan ni Jesus habang binabasa mo ang Juan 20:1–17 o ibuod ang kuwento ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli (tingnan din sa “Kabanata 54: Nagbangon si Jesus,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 139–44. Ano kaya ang pakiramdam ng makita ang nabuhay na mag-uling Tagapagligtas?

  • Sabihin sa bawat bata na pag-aralan ang mga karanasan ng isang tao na nakakita sa nabuhay na mag-uling Tagapagligtas at ibahagi sa klase ang natutuhan niya.

Juan 20:24–29

Kaya kong manampalataya kay Jesucristo kahit na hindi ko Siya nakikita.

Ano ang ginagawa ng mga batang tinuturuan mo para palakasin ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo? Paano mo sila matutulungan?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Sabihin sa ilang bata na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Juan 20:24–29.  

  • Isulat ang bawat salita sa katagang “Mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma’y nagsisampalataya” sa magkakahiwalay na piraso ng papel. Sabihin sa mga bata na ayusin ang mga salita sa tamang pagkakasunud-sunod. Sabihin sa kanila na magbahagi ng mga karanasan kung saan nadama nila ang pagmamahal ng Tagapagligtas kahit hindi nila Siya nakita.

  • Magpadrowing sa mga bata ng mga bagay na magagawa nila para palakasin ang kanilang pananampalataya. Habang nagdodrowing sila, ibahagi ang mga bagay na ginawa mo para palakasin ang iyong pananampalataya kay Jesucristo.

Juan 21:1–17

Maipapakita ko ang pagmamahal ko kay Jesus sa pamamagitan ng pagpapakain sa Kanyang mga tupa.

Maaaring makaimpluwensya nang malaki ang mga bata sa mga nakapaligid sa kanila. Paano mo sila mahihikayat na palakasin ang iba sa ebanghelyo?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Bago basahin nang sama-sama ang Juan 21:1–17, itanong sa mga bata kung nangisda na sila noon. Ano ang mga naranasan nila? Itanong kung mayroong nakahuli ng “[maraming] mga isda” (Juan 21:6).

  • Basahin ang Juan 21:15–17, ngunit palitan ang pangalan ni Simon ng mga pangalan ng mga bata. Sino ang mga tupa ni Jesus? Paano natin pakakainin ang Kanyang mga tupa?

  • Magbahagi ng isang simpleng meryenda sa mga bata. Habang kumakain sila, itanong sa kanila kung bakit katulad ng pagpapakain sa kanila ang pagbabahagi ng ebanghelyo.

learning icon

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na gamitin ang pahina ng aktibidad para sa linggong ito para ituro sa kanilang pamilya ang tungkol sa huling linggo ng buhay ng Tagapagligtas.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Mag-follow-up sa mga paanyayang kumilos. Kapag inanyayahan mo ang mga bata na kumilos ayon sa natutuhan nila, mag-follow up sa iyong paanyaya sa susunod na klase. Ito ay nagpapakita sa mga bata na mahalaga sa iyo kung paano pinagpapala ng ebanghelyo ang kanilang buhay. Habang ibinabahagi nila ang kanilang mga karanasan, mapapalakas sila at magtutulungan sa isa’t isa na ipamuhay ang ebanghelyo.

pahina ng aktibidad: ang bawat isa ay mabubuhay na mag-uli