Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Hulyo 1–7. Mga Gawa 1–5: ‘Kayo’y Magiging mga Saksi Ko’


“Hulyo 1–7. Mga Gawa 1–5: ‘Kayo’y Magiging mga Saksi Ko’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Hulyo 1–7. Mga Gawa 1–5,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2019

Larawan
araw ng Pentecostes

Araw ng Pentecostes, ni Sidney King

Hulyo 1–7.

Mga Gawa 1–5

“Kayo’y Magiging mga Saksi Ko”

Simulan ang iyong paghahanda sa pagbasa sa Mga Gawa 1–5. Mapanalanging hangarin na maunawaan ang mga pangangailangan ng mga batang tinuturuan mo. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at ang outline na ito ay makakatulong din sa iyo.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Isulat ang Sino ako? sa pisara. Magbigay ng ilang pahayag tungkol kay Pedro at tanungin ang mga bata kung sino ang tinutukoy sa mga pahayag. Ano pa ang alam nila tungkol kay Pedro?

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Nakababatang mga Bata

Mga Gawa 1:1–11

Pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng mga propeta at apostol.

Ang pag-aaral kung paano pinamunuan ng Tagapagligtas ang Kanyang Simbahan noong unang panahon sa pamamagitan ng mga apostol ay makakatulong sa mga bata na magkaroon ng patotoo tungkol sa mga propeta at apostol sa ating panahon.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ipakita ang buong-pahinang larawan sa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Tanungin ang mga bata kung bakit sa palagay nila nakatingala ang mga lalaki sa langit. Ibuod ang kuwento mula sa Mga Gawa 1:1–11. Tingnan din sa “Kabanata 55: Pinamunuan ng mga Apostol ang Simbahan,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 145–47, o ang katumbas na video (LDS.org).

  • Habang tinitingnan ng klase ang larawan mula sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya, sabihin sa isang bata na magtaas ng isang larawan ng kasalukuyang mga Apostol. Sino ang namumuno sa Simbahan kapag wala si Cristo sa lupa? Paano nila pinamumunuan ang Simbahan?

  • Maglaro ng pagtutugma gamit ang dalawang set ng mga larawan ng mga buhay na Unang Panguluhan at Labindalawang Apostol. Kapag may napagtugma, sabihin ang pangalan ng Apostol o Pangulo at magsabi ng isang bagay tungkol sa kanya.

  • Sa likod ng isang larawan ni Jesus, magdikit ng maliliit na larawan ng mga bagay na maaaring ituro ng isang propeta, tulad ng binyag o templo. Bigyan ng pagkakataon ang bawat bata na tingnan ang isa sa mga larawan at sabihin sa klase na “Tinuturuan tayo ng propeta tungkol sa [paksang nasa larawan].”

Mga Gawa 3:1–10

Maaaring pagpalain ng Ama sa Langit ang iba sa pamamagitan ko.

Ano ang magagawa mo para matulungan ang mga bata na matukoy ang mga paraan na mapagpapala nila ang mga nakapaligid sa kanila? Tulungan silang matuto mula sa halimbawa nina Pedro at Juan na pinagaling ang lalaking lumpo.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Sabihin sa mga bata na gumawa ng mga galaw na tugma sa kuwento sa Mga Gawa 3:1–10, gaya ng pagsahod ng kanilang mga kamay para humingi ng pera at paglukso sa tuwa. Paano pinagpala ng Ama sa Langit ang lalaking hindi makalakad?

  • Magdala ng isang bag na may mga larawang kumakatawan sa mga paraan na mapagpapala at mapaglilingkuran natin ang iba. Hayaang maghalinhinan ang mga bata sa pagpili ng mga larawan mula sa bag at pagbabahagi kung paano nila mapagpapala ang iba sa gayong paraan.

  • Hilingin sa mga bata na magbahagi ng isang pagkakataon na tinulungan nila ang isang tao.

Mga Gawa 5:1–11

Kaya kong maging matapat.

Ipinamuhay ng mga sinaunang Kristiyano ang isang uri ng batas ng paglalaan para mapangalagaan ang mga maralita. Ibinenta ng mga may-ari ang kanilang lupa at ibinigay ang pera sa mga Apostol para ipamahagi sa mga Banal ayon sa kanilang mga pangangailangan. Sina Ananias at Safira ay hindi naging tapat sa kanilang kontribusyon, sa pag-aakalang maaari nilang dayain ang mga lingkod ng Panginoon.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Tulungan ang mga bata na isadula ang kuwento nina Ananias at Safira. Ipaliwanag na kahit hindi tayo mamamatay kapag nagsinungaling tayo, ipinapakita ng kuwentong ito kung gaano kahalaga sa Ama sa Langit ang maging matapat.

  • Sama-samang kantahin ang isang awitin tungkol sa pagiging matapat, tulad ng “I Believe in Being Honest” (Children’s Songbook, 149). Ipaunawa sa mga bata na bahagi ng pagiging matapat ang palaging magsabi ng totoo at hindi pagkuha ng mga bagay na pag-aari ng ibang tao.

  • Gumamit ng mga paper-bag puppet para isadula ang mga simpleng sitwasyon kung saan ang isang tao ay matapat at di-matapat. Patayuin ang mga bata kung ang tao ay matapat o paupuin sa sahig kung ang tao ay di-matapat.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Nakatatandang mga Bata

Mga Gawa 1:8, 22–26

Pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng mga propeta at apostol.

Mauunawaan ng mga batang tinuturuan mo na ang Simbahan ng Tagapagligtas ngayon ay pinamumunuan ng mga propeta at apostol, tulad noong unang panahon.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Isulat sa pisara ang Paano pinamumunuan ni Jesucristo ang Simbahan kapag wala Siya sa lupa? Sabihin sa mga bata na hanapin ang mga sagot sa tanong habang binabasa mo ang mga salita ng Tagapagligtas sa mga Apostol sa Mga Gawa 1:8.

  • Sama-samang basahin ang Mga Gawa 1:22–26. Bilang isang klase, tukuyin kung paano tumawag ng bagong Apostol ang mga Apostol.

  • Hilingin nang maaga sa isang bata at sa kanyang magulang na magbasa tungkol sa isang bagong tawag na Apostol (marahil ay sa LDS.org). Sabihin sa bata na ibahagi sa klase ang natutuhan niya at, kung maaari, ang sinabi ng Apostol tungkol sa kanyang tungkulin sa una nitong mensahe sa pangkalahatang kumperensya.

Larawan
si Pedro kasama ang mga Apostol

Pinamunuan ng mga Apostol ang Simbahan matapos umakyat si Cristo sa langit.

Mga Gawa 3:1–10

Pinagpapala ng Ama sa Langit ang iba sa pamamagitan ko, kahit hindi ako mayaman.

Paano mo maituturo sa mga bata na mapagpapala nila ang iba, kahit wala silang “pilak at ginto”? (Mga Gawa 3:6). Paano mo maipapakita sa kanila ang mga oportunidad na maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ipabasa sa isang bata ang Mga Gawa 3:1–10 habang isinasadula naman ng ibang mga bata ang kuwento. (Para sa tulong, tingnan din sa “Kabanata 56: Pinagaling ni Pedro ang Isang Lalaki,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 148–49, o ang katumbas na video sa LDS.org.) [NO TRANSLATION] Sa anong paraan naging mas malaki ang pagpapalang natanggap ng lalaking ito kaysa sa perang hiningi niya?

  • Magpasa ng isang supot ng mga barya. Habang hawak ng mga bata ang supot o bag, itanong sa kanila kung ano ang mabibili nila sa perang iyon. Pagkatapos ay kunin ang supot o bag ng mga barya at itanong sa mga bata kung anong mga pagpapala ang hindi nila mabibili. Anyayahan silang magbahagi kung paano nila mapaglilingkuran ang isang tao nang hindi gumagamit ng pera (Mga Gawa 3:6).

Mga Gawa 2:36–47

Pinatototohanan ng Espiritu Santo sa puso ko ang mga katotohanan ng ebanghelyo.

Kapag natututuhang kilalanin ng mga bata kung paano nangungusap sa kanila ang Espiritu Santo, mahihikayat silang makinig at kumilos ayon sa inspirasyong natatanggap nila.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Sama-samang basahin ang Mga Gawa 2:36–37. Ano ang pakiramdam kapag may sinasabi ang Espiritu Santo sa ating puso?

  • Bilang isang klase, gumawa ng isang poster na may mga salitang Ano ang gagawin natin? sa itaas. Idispley ang poster bawat linggo, at magdagdag ng mga paraan na makakapamuhay ang mga bata ayon sa natututuhan nila sa lesson sa bawat linggo.

  • Anyayahan ang mga bata na hanapin ang mabubuting bagay na ginawa ng mga tao matapos silang mabinyagan sa Mga Gawa 2:41–47. Anong mabubuting bagay ang magagawa natin upang ipakita na nagpapasalamat tayo sa kaloob na Espiritu Santo na tinanggap natin noong binyagan tayo?

Larawan
icon ng pag-aaral

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na magplano ng isang paraan na mapaglilingkuran nila ang Ama sa Langit sa pamamagitan ng pagtulong sa isang miyembro ng kanilang pamilya sa linggong ito.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Isaulo ang isang talata ng banal na kasulatan. Pumili ng isang talata sa banal na kasulatan na sa palagay mo ay makakatulong sa mga bata sa klase mo, tulad ng Mga Gawa 2:38 o Mga Gawa 3:19, at tulungan silang isaulo ang isang parirala mula sa banal na kasulatan. Ang mga visual aid, kumpas ng kamay, o galaw ng katawan ay makakatulong din sa mga bata na magsaulo ng mga talata sa banal na kasulatan.

Print