Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Hulyo 15–21. Mga Gawa 10–15: ‘Lumago ang Salita ng Diyos at Dumami’


“Hulyo 15–21. Mga Gawa 10–15: ‘Lumago ang Salita ng Diyos at Dumami’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Hulyo 15–21. Mga Gawa 10–15,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2019

kausap ni Cornelio si Pedro

Hulyo 15–21

Mga Gawa 10–15

“Lumago ang Salita ng Diyos at Dumami”

Simulan ang paghahanda mong magturo sa pagbasa sa Mga Gawa 10–15. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang mga kabanatang ito, at ang outline na ito ay makapagbibigay sa iyo ng mga ideya sa pagtuturo.

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Para maibahagi ng mga bata ang kanilang natututuhan at nararanasan, maaari kang magpabahagi sa kanila ng mga bagay na ginagawa nila para ipakita na naniniwala sila kay Jesucristo.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Nakababatang mga Bata

Mga Gawa 10:34–35

Mahal ng Ama sa Langit ang lahat ng Kanyang anak.

Ang isang pangunahing doktrinang mauunawaan kahit ng maliliit na bata ay na lahat ay anak ng Diyos at na mahal Niya ang lahat ng Kanyang anak.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ipakita ang larawang Si Cristo at ang mga Bata sa Buong Mundo (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 116) habang binabasa mo ang Mga Gawa 10:34–35. Ipaliwanag na noong panahon ni Pedro, naniwala ang ilang tao na ilang grupo lang ng mga tao ang mahal ng Diyos, ngunit nalaman ni Pedro na mahal ng Diyos ang lahat ng Kanyang anak, at nais Niyang matutuhan nilang lahat ang ebanghelyo.

  • Anyayahan ang mga bata na idrowing ang kanilang sarili. Ibahagi ang iyong patotoo na mahal ng Ama sa Langit ang bawat isa sa kanila at lahat ng Kanyang anak, anuman ang kanilang hitsura o saan man sila nagmula.

  • Kantahin ninyo ng mga bata ang isang awitin tungkol sa pagmamahal sa iba—halimbawa, “Palaging Sasamahan Ka” (Aklat ng mga Awit Pambata, 78–79). Anyayahan silang magbahagi ng mga paraan na makakapagpakita sila ng pagmamahal sa lahat—kahit sa mga taong naiiba sa kanila—tulad ng ginawa ni Jesus.

  • Hilingin nang maaga sa mga magulang ng bawat bata na magbahagi ng ilang kahanga-hangang katangian ng kanilang anak. Ibahagi ang kanilang mga sagot sa klase, at magpatotoo na mahal ng Ama sa Langit ang bawat isa sa mga bata.

  • Isa-isang ituro ang bawat bata at sabihing, “Mahal ng Ama sa Langit si [pangalan].” Hayaang maghalinhinan ang mga bata sa pagturo sa isa’t isa at pagsasabi ng katagang ito.

Mga Gawa 11:26

Ako’y isang Kristiyano dahil naniniwala at sumusunod ako kay Jesucristo.

Maaaring alam ng mga batang tinuturuan mo na ang mga miyembro ng Simbahan ay kadalasang tinatawag na mga Mormon dahil naniniwala tayo sa Aklat ni Mormon, ngunit alam ba nila na tayo ay mga Kristiyano rin dahil naniniwala tayo kay Jesucristo?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Basahin ang Mga Gawa 11:26 sa mga bata. Ipaliwanag na ang isang taong naniniwala at sumusunod kay Jesucristo ay tinatawag na Kristiyano, kaya tayo’y mga Kristiyano.

  • Kantahin ninyo ng mga bata ang “Ang Simbahan ni Jesucristo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 48). Paano tayo dapat kumilos sa simbahan, sa paaralan, at sa bahay dahil tayo’y mga alagad ni Jesucristo at nabibilang sa Kanyang Simbahan?

  • Hayaang kulayan ng mga bata ang badge sa pahina ng aktibidad para sa linggong ito at isuot ito pauwi.

Mga Gawa 12:1–17

Dinirinig at sinasagot ng Ama sa Langit ang mga dalangin.

Ang salaysay ng pagpapalaya ng anghel kay Pedro mula sa bilangguan ay mabisang nagtuturo na sinasagot ng Ama sa Langit ang mga dalangin.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Anyayahan ang mga bata na isadula ang salaysay ng pagpapalaya kay Pedro mula sa bilangguan sa Mga Gawa 12:1–17 habang ibinubuod mo ang kuwento. Paano sinagot ng Ama sa Langit ang mga dalangin ng mga taong nagdarasal para kay Pedro?

  • Kumanta ng isang awitin tungkol sa panalangin—halimbawa, “Nakayuko” (Aklat ng mga Awit Pambata, 18)—at gumawa ng mga aksyon para matututuhan ng mga bata kung paano manalangin. Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga halimbawa ng mga bagay na mapapasalamatan nila sa Ama sa Langit at mahihiling sa Kanya sa panalangin.

  • Magpakita ng mga larawan ng mga taong nagdarasal (tingnan, halimbawa, sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 111 at 112) habang nagbabahagi ka ng isang karanasan na sinagot ng Ama sa Langit ang iyong mga dalangin.

    babae at batang babaeng nagdarasal

    Mahal tayo ng Ama sa Langit at sasagutin Niya ang ating mga dalangin.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Nakatatandang mga Bata

Mga Gawa 10:34–35; 15:6–11

“Hindi nagtatangi ang Diyos ng mga tao.”

Kailangang maunawaan ng mga batang tinuturuan mo na mahal ng Ama sa Langit ang lahat ng Kanyang anak, anuman ang hitsura nila, saan man sila nakatira, o ano mang mga pagpapasiya ang ginagawa nila.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Itanong sa mga bata kung masasabi nila kung anong klaseng tao ang isang tao sa pagtingin lang sa kanila o paghula kung saan sila nagmula. Ayon sa Mga Gawa 10:35, paano nalalaman ng Diyos kung ang isang tao ay “kalugodlugod sa kaniya”?

  • Basahin ang Mga Gawa 10:34–35; 15:6–11 sa mga bata. Ipaliwanag na noong panahon ni Pedro, naniwala ang mga Judio na hindi tinanggap ng Diyos ang mga taong hindi Judio (ang mga taong ito ay tinatawag noon na mga Gentil). Ngunit itinuro ng Diyos kay Pedro na mahal ng Diyos ang lahat ng Kanyang anak, kapwa mga Judio at Gentil. Sama-samang kantahin ang “Ako ay Anak ng Diyos” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2–3). Anyayahan ang mga bata na palitan ng pangalan nila ang salitang ako.

  • Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng isang bagay na natatangi tungkol sa isang tao sa klase. Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng pahayag na “Hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao” ay na mahal ng Ama sa Langit ang lahat ng Kanyang anak, at dahil mahal Niya sila, gusto Niyang marinig ng lahat ng Kanyang anak ang ebanghelyo.

Mga Gawa 11:26

Ang Kristiyano ay isang taong naniniwala at sumusunod kay Jesucristo.

Paano mo maipapaunawa sa mga bata na makikita sa kanilang mga salita at kilos na sila ay Kristiyano?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Anyayahan ang mga bata na basahin ang Mga Gawa 11:26; 3 Nephi 27:3–8; at Doktrina at mga Tipan 115:4. Isulat ang Kristiyano sa pisara at salungguhitan ang bahaging tumutukoy kay “Cristo.” Ipabahagi sa mga bata kung ano sa palagay nila ang ibig sabihin ng maging Kristiyano.

  • Magpabanggit sa mga bata ng iba’t ibang grupong kinabibilangan nila, tulad ng kanilang pamilya o klase sa Primary. Anyayahan silang ibahagi kung bakit sila nagpapasalamat na maging Kristiyano at makabilang sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Paano natin maipapakita sa iba na tayo’y mga Kristiyano?

  • Magdispley ng ilang bagay o larawan na kumakatawan sa mga katotohanang natatangi sa Simbahan ni Jesucristo, tulad ng larawan ng isang priesthood blessing. Papiliin ang isang bata ng isa sa mga bagay o larawan at ipalarawan sa kanya kung paano ito naging pagpapala sa ating Simbahan. Ipaliwanag na bagama’t ang mga Kristiyano sa buong mundo ay kasapi sa maraming iba’t ibang simbahan, tayo’y kabilang sa iisang Simbahang itinatag ni Jesucristo sa lupa.

  • [NO TRANSLATION] Anyayahan ang mga bata na idrowing ang mga bagay na magagawa nila para maging tunay na mga Kristiyano.

Mga Gawa 12:1–17

Kapag nagdarasal ako nang may pananampalataya, sasagot ang Ama sa Langit.

Pagnilayan ang mga pagkakataon na nasagot ng Ama sa Langit ang iyong mga dalangin. Paano mo magagamit ang mga karanasang ito para ituro sa mga bata na diringgin at sasagutin ang kanilang mga dalangin sa Kanyang sariling paraan at panahon?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Anyayahan ang mga bata na isadula ang kuwento ng pagpapalaya ng anghel kay Pedro mula sa bilangguan sa Mga Gawa 12:1–17 habang ikinukuwento mo ito sa sarili mong mga salita.

  • Itanong sa mga bata kung ano sa palagay nila ang ibig sabihin ng “maningas na dumalangin” (Mga Gawa 12:5). Paano nasagot ang mga dalangin ng mga tao? Sabihin sa mga bata na magbahagi ng mga karanasan kung saan sinagot ng Ama sa Langit ang isang personal na panalangin o panalangin ng pamilya. Maaari ka ring magbahagi ng isang karanasan na sinagot Niya ang iyong panalangin sa paraang naiiba sa inaasahan o nais mo. Magpatotoo na mahal tayo ng Diyos, at sasagutin Niya ang ating mga dalangin sa paraan at takdang panahong pinakamainam para sa atin.

icon ng pag-aaral

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Bigyan ang mga bata ng mga larawan o bagay na ididispley sa bahay nila na magpapaalala sa mga miyembro ng pamilya na sama-samang manalangin.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Magpatotoo tungkol sa mga ipinangakong pagpapala. Kapag inanyayahan mo ang mga bata sa Primary na ipamuhay ang isang partikular na alituntunin, ibahagi ang mga pangakong ginawa ng Diyos sa mga sumusunod sa alituntuning iyon. Halimbawa, mapapatotohanan mo ang mga ipinangakong pagpapalang natanggap mo nang humingi ka ng mga sagot sa pamamagitan ng panalangin.