2017
Makita ang Propeta ng Diyos
March 2017


Makita ang Propeta ng Diyos

Seeing God’s Prophet

Noong 11 anyos ako, tumulong ako sa ward ko na magtayo ng bagong gusali ng Simbahan. Tumulong ang mga miyembro sa pagtatayo nito sa panahong iyon—nagpukpok ng mga pako, nagpintura ng mga pader, at ginawa ang lahat ng bagay.

Nang marinig ko na ilalaan ni Pangulong David O. McKay (1873–1970) ang gusali, gusto ko talagang pumunta roon. Pinayagan ako ng mga magulang ko. Maaga akong nagpunta at naupo sa harapan.

Naaalala ko na nakita ko nang malapitan si Pangulong McKay. Nakita ko kung paano siya tumayo, paano siya nakipag-usap sa mga tao, paano siya nakitungo sa mga tao. Asul na asul ang kanyang mga mata at puti ang buhok niya. Siya ay mukhang propeta. Nang marinig ko siyang magsalita at bigkasin ang panalangin ng paglalaan, nalaman ko sa puso ko na ito ang propeta ng Diyos.

Nagkaroon ako ng napakalakas na espirituwal na impresyon mula sa Ama sa Langit: “Ito ang Aking propeta.” Sinasabi sa akin ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo na si Pangulong McKay ay Kanyang propeta.

Nang malaman ko na si Pangulong McKay ay propeta ng Diyos, nalaman ko na totoo ang Simbahan at si Joseph Smith ay isang propeta. Nalaman ko na ang Aklat ni Mormon at ang Panunumbalik ng ebanghelyo ay totoo. Nalaman ko rin na ang lahat ng propeta, mula kay Joseph Smith hanggang kay David O. McKay, ay mga propeta rin ng Diyos.

Ngayon tuwing tumatawag ng bagong propeta, nadarama ko pa rin ang pagpapatibay na iyon: “Ito ang Aking propeta.” Nagsimula ang lahat ng ito noong bata pa ako.