2017
Nakapagpasiya na Ako
March 2017


Mga Kabataan

Nakapagpasiya na Ako

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Minsa’y may natutuhan akong mahalagang aral sa isang klase ng Young Women tungkol sa kadalisayan ng puri—isang paksang nagpapa-alumpihit sa maraming kabataan sa kanilang upuan. Hindi ko naaalala ang lahat ng natutuhan ko sa araw na iyon, pero naaalala kong tinalakay ng lider ko ang isa sa kanyang personal na mga pamantayan—na laging panatilihing dalisay ang puri. Nanatili sa isip ko ang sinabi niya, at sa gayo’y sadya kong ipinasiya na isama ito sa mga personal na pinahahalagahan ko.

Isang araw habang nakasakay ako ng bus pauwi mula sa isang sporting event, may pasaherong nagpasimula ng larong “truth or dare.” Nababagot, sumali ako at ang ilan pang mga bata. Nang ako na, pinagawa ako ng isang bagay na alam kong hindi tama. Maaaring mahirap na desisyon ito para sa akin, pero pumasok sa isip ko ang sinabi ng Young Women leader ko, at madali akong nakapagpasiya. Agad akong tumanggi. Nakapagpasiya na ako kung ano ang gagawin ko sa sitwasyong iyon.

Alam ko na kapag tayo ay nagsimba at nagbigay-puwang sa mga bagay na itinuturo sa atin doon, bibiyayaan tayo ng higit na espirituwal na lakas at proteksyon laban sa mga tukso ng mundo.