Mga Larawan ng Pananampalataya
Markus Tilgner
Saxony Anhalt, Germany
Noong 1989, sina Markus, Karen, at ang kanilang tatlong-taong-gulang na anak ay pinayagang makaalis sa kanilang tahanan sa East Germany para magbakasyon sa Hungary. Habang naroon sila, binuksan ng Hungary ang border nito sa Austria, na naging paraan para maging malaya ang libu-libong East German refugee. Natanto nina Markus at Karen ang kanilang kakaibang oportunidad. Makakaalis din sila.
Leslie Nilsson, photographer
Sabi ko, “Punta tayo sa Austria.”
“Naku, hindi puwede,” sabi ni Karen. “Naiwan sa Germany ang mga magulang mo at pati mga magulang ko.”
“Mauunawaan nila,” sagot ko.
“Nagsimula na kaming magtayo ng bahay,” sabi ni Karen sa akin. “Tapusin natin iyon.”
“Hindi, magsimula tayong muli,” sabi ko, “sa ibang lugar, sa kanlurang bahagi ng Germany.”
Muli kong tinangkang sabihin sa kanya na dapat kaming umalis. Sabi niya, “Hindi, kasi katatawag lang sa iyo bilang bishop at sumagot ka ng oo, maglilingkod ka.”
Kaya hindi kami umalis sa Germany. Makalipas ang ilang linggo bumagsak na ang Berlin Wall. Mapalad kami na nanatili kami. Ito ang paraan ng Ama sa Langit para sa amin.