Mga Ideya para sa Family Home Evening
Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.
“Maging Uliran ng mga Nagsisisampalataya,” pahina 44: Tinalakay ni Elder Keetch ang kahalagahan ng pagtatanggol sa mga doktrina ng ebanghelyo nang may pagmamahal at kabaitan. Matapos basahin ang kanyang mensahe, maaari ninyong ikuwento ang mga pagkakataon sa buhay ng mga miyembro ng pamilya na kinailangan nilang ipagtanggol ang ebanghelyo. Maaari din ninyong basahin ang isang kuwento sa banal na kasulatan tungkol sa isang taong nanindigan sa kanilang mga paniniwala, gaya ng kuwento ni Daniel o ni Esther. Paano nagpakita ng pagmamahal ang mga taong ito kapwa sa mga tao sa paligid nila at sa Panginoon? Maaari ninyong subukang magsadula ng isang sitwasyon kung saan maaaring praktisin ng mga miyembro ng pamilya na ibahagi ang kanilang mga paniniwala tungkol sa iba’t ibang paksa nang kalmado at may pang-unawa.
“Paano kung parang hindi ko nagagawa ang dapat kong gawin?” pahina 68: Tinalakay ni Elder Holland kung ano ang gagawin kapag nadama natin na hindi tayo kasimbuti na tulad ng nararapat. Bilang pamilya, maaari ninyong pag-usapan ang mga talentong ibinigay ng Ama sa Langit sa bawat miyembro ng pamilya. Isiping ipasulat sa inyong pamilya ang isang mithiing gusto nilang isakatuparan sa susunod na buwan, na tinatalakay ang mga paraan upang makamit ang mithiing ito, paano makakatulong ang kanilang mga talento, at ano ang mga kasanayang kakailanganin nila upang makamit ang kanilang mithiin. Maaari ninyong i-follow up ang mga aktibidad na ito kalaunan at hikayatin ang mga miyembro ng pamilya na magtakda at magsikap na kamtin ang kanilang mga mithiin.