2017
Kagalakan ang Susi sa Ating Espirituwal na Kaligtasan
March 2017


Tampok na Doktrina

Kagalakan ang Susi sa Ating Espirituwal na Kaligtasan

Woman smiling

“Kapag nakatuon ang ating buhay sa plano ng kaligtasan … at kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo, makadarama tayo ng kagalakan anuman ang nangyayari—o hindi nangyayari—sa ating buhay. …

“… Ang Kanyang kagalakan ay hindi nagbabago, na tinitiyak sa atin na ang ating ‘mga pagdurusa ay maikling sandali na lamang’ [D at T 121:7] at ilalaan sa ating kapakinabangan. …

“… Tulad sa lahat ng bagay, si Jesucristo ang ating dakilang huwaran, ‘na Siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus’ [Sa Mga Hebreo 12:2]. Isipin ninyo iyan! Para mapagtiisan Niya ang pinakamatinding karanasang tiniis sa lupa, nagtuon ang ating Tagapagligtas sa kagalakan! …

“Kung titingnan natin ang mundo at susundin ang mga pormula nito sa kaligayahan, hindi tayo kailanman daranas ng kagalakan. … Ang kagalakan ay isang kaloob sa matatapat.”