Bakit wala tayong gaanong alam tungkol sa ating Ina sa Langit?
Alam natin na mayroon tayo kapwa ng isang Ama sa Langit at ng isang Ina sa Langit. Ang kaalamang ito ay mukhang nagmula kay Joseph Smith at paulit-ulit na napagtibay ng inspiradong mga turo ng mga pinuno ng Simbahan sa paglipas ng mga taon. Gayunman, bukod sa pag-iral ng isang Ina sa Langit at sa papel ng ating mga magulang sa langit sa pagtutulungan para sa kaligtasan at kadakilaan ng kanilang mga anak, wala nang naihayag na iba pang mga detalye tungkol sa Ina sa Langit. Sa ngayon, sapat na ang alam natin para maunawaan na tayo ay mga anak ng mga magulang sa langit, na nagnanais na maging katulad tayo nila. Tinutulungan tayo ng pagkaunawang ito na makita kung sino tayo at ano ang maaari nating kahinatnan. Ipinapakita nito na ang kasarian ay bahagi ng ating walang-hanggang identidad at na ang kalalakihan at kababaihan ay hindi mapapadakila kung wala ang isa’t isa. At pambihira at mahahalagang katotohanan ang mga ito mismo.