Pag-aaral ng Doktrina
Mortalidad
Ang mortalidad ay tumutukoy sa panahon mula pagsilang hanggang kamatayan. Sa panahong ito, magkasama ang ating espiritu at pisikal na katawan, na nagbibigay sa atin ng mga pagkakataong lumago at umunlad sa mga paraan na hindi posible noon sa ating buhay bago tayo isinilang sa mundong ito. Ang bahaging ito ng ating buhay ay panahon ng pag-aaral kung kailan maaari nating patunayan ang ating sarili, piliing lumapit kay Cristo, at paghandaang maging karapat-dapat sa buhay na walang hanggan.
Buod
Ang mortalidad ay tumutukoy sa panahon mula pagsilang hanggang kamatayan. Tinatawag ito kung minsan na ikalawang kalagayan (Abraham 3:26). Magkasama ang ating espiritu at pisikal na katawan, na nagbibigay sa atin ng mga pagkakataong lumago at umunlad sa mga paraan na hindi posible noon sa ating buhay bago tayo isinilang sa mundong ito. Ang bahaging ito ng ating buhay ay panahon ng pag-aaral kung kailan maaari nating patunayan ang ating sarili, piliing lumapit kay Cristo, at paghandaang maging karapat-dapat sa buhay na walang hanggan. Panahon din ito upang matulungan natin ang iba na mahanap ang katotohanan at magkaroon ng patotoo tungkol sa plano ng kaligtasan.
Itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, “Nang dumaan tayo sa tabing at naparito sa mundo, alam nating hindi na natin maaalala ang buhay natin bago tayo isinilang. Magkakaroon ng mga pagsalungat at pagsubok at tukso. Ngunit alam din natin na ang pagkakaroon natin ng katawan ay napakahalaga para sa atin. Umasa tayo na sana ay matutuhan natin kaagad na piliin ang tama, malabanan ang mga tukso ni Satanas, at sa huli ay makabalik sa ating minamahal na mga Magulang sa Langit” (“O Kaydakila ng Plano ng Ating Diyos!” Liahona, Nob. 2016, 21).
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Tiyak na Pagkamatay, May Kamatayan”