Library
Panguluhang Diyos


“Panguluhang Diyos,” Mga Paksa at Mga Tanong (2023)

Ang Ama sa Langit at si Jesucristo

Gabay sa Pag-aaral ng Ebanghelyo

Panguluhang Diyos

Paniniwala sa Diyos Ama; sa Kanyang Pinakamamahal na Anak na si Jesucristo, at sa Espiritu Santo

Kapag sinasabi ng mga tao na, “Naniniwala ako sa Diyos,” ano ang ibig nilang sabihin? Maaaring maraming iba’t iba ang ibig nilang sabihin.

Bilang mga Banal sa mga Huling Araw, “naniniwala [tayo] sa Diyos, ang Amang Walang Hanggan, at sa Kanyang Anak, na si Jesucristo, at sa Espiritu Santo” (Mga Saligan ng Pananampalataya 1:1). Tinatawag natin ang pahayag na ito na unang saligan ng ating pananampalataya—una dahil ang pag-unawa sa tatlong banal na nilalang na ito ay unang hakbang sa pag-unawa kung sino tayo, bakit tayo narito, at ano ang maaari nating kahinatnan.

Ano ang Panguluhang Diyos?

Ang Panguluhang Diyos ay binubuo ng tatlong banal na nilalang: ang Ama sa Langit, si Jesucristo, at ang Espiritu Santo. Bagama’t magkakahiwalay na personahe, nagtutulungan Sila nang may lubos na pagkakaisa upang pagpalain at dakilain ang mga anak ng Ama sa Langit.

Buod ng Paksa: Panguluhang Diyos

Mga kaugnay na gabay sa pag-aaral ng ebanghelyo: Diyos Ama, Jesucristo, Espiritu Santo

Bahagi 1

Paano Inilarawan ang Panguluhang Diyos sa mga Banal na Kasulatan

si Juan na Tagapagbautismo na binibinyagan si Jesucristo

Nais ng Diyos Ama, ni Jesucristo, at ng Espiritu Santo na malaman mo ang tungkol sa Kanila. Ayaw Nilang ituring Sila na hindi makakaugnayan o mahiwaga. Sila ay naghayag ng mahahalagang katotohanan, sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan at mga turo ng mga propeta sa mga huling araw, upang matulungan kang mas makilala Sila. Bukod pa rito, inaanyayahan tayo ng Diyos na indibiduwal na lumapit sa Kanya at makilala Siya sa pamamagitan ng personal na mga karanasan sa Kanya. Tulad ng sinabi ni Jesus sa panalangin Niya sa Diyos Ama para sa Kanyang mga tagasunod, “Ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at si Jesucristo na iyong sinugo” (Juan 17:3).

Mga bagay na pag-iisipan

  • Subukang saliksikin ang mga talata sa banal na kasulatan na bumabanggit sa lahat ng miyembro ng Panguluhang Diyos—halimbawa, Mateo 3:16–17; 17:5; Juan 5:19; 14:6–10, 26; Mga Gawa 7:55–56; 3 Nephi 11:10–11, 25–27, 35–36. Ano ang inihahayag ng mga talatang tulad nito tungkol sa mga miyembro ng Panguluhang Diyos? Ano ang natutuhan mo tungkol sa kaugnayan Nila sa isa’t isa?

  • Inihayag ng Diyos ang mahahalagang katotohanan tungkol sa Panguluhang Diyos sa ating panahon sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith. Para sa isang halimbawa, basahin ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:13–17 na nasasaisip ang tanong na ito: Ano ang inihahayag ng karanasan ni Joseph tungkol sa Panguluhang Diyos?

  • Maaari mo ring basahin ang itinuro ni Propetang Joseph tungkol sa Panguluhang Diyos sa Doktrina at mga Tipan 130:22. Ang mga turong ito ay naiiba sa mahahalagang paraan mula sa itinuturo ng tradisyonal na Kristiyanismo. Isipin kung bakit ang mga katotohanang tulad nito tungkol sa Panguluhang Diyos ay mahalaga sa iyo.

Aktibidad sa pag-aaral kasama ang iba

  • Maaari mong basahin ang Doktrina at mgaTipan 130:22 kasama ang iba at tingnan ang larawan ng Unang Pangitain ni Joseph Smith. Pag-usapan kung ano ang itinuturo ng talata at kung ano ang nakikita ng lahat sa larawan. Bigyang-pansin ang katotohanan na ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay may katawang tulad ng sa atin—tayo ay nilikha sa Kanilang larawan!

Si Jesucristo at ang Ama sa Langit ay nagpakita kay Joseph Smith

Alamin ang iba pa

Bahagi 2

Nagkakaisa sa Pagpapala sa Atin

Bagama’t may tatlong magkakahiwalay na miyembro ng Panguluhang Diyos, Sila ay “iisang Diyos” dahil Sila ay ganap na nagkakaisa sa layunin. At ano ang layunin na iyon? Sinabi ng Ama sa Langit, “Ito ang aking gawain at aking kaluwalhatian—ang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao” (Moises 1:39). Sa madaling salita, ang Ama sa Langit, si Jesucristo, at ang Espiritu Santo ay nagtutulungan upang maisakatuparan ang plano ng kaligtasan at kadakilaan. Bawat isa ay may partikular na ginagampanan sa planong iyan, ngunit ang layunin Nila ay iisa—tulungan kang makabalik upang mamuhay muli sa piling ng Diyos.

Mga bagay na pag-iisipan

Aktibidad sa pag-aaral kasama ang iba

  • Maaari mong ilarawan ang pagkakaisa ng Panguluhang Diyos sa isang bangkong may tatlong paa, isang tripod, o iba pang bagay na matibay at gumagana dahil may tatlong paa ito. O maaari mong isipin kung paano nagtutulungan ang mga miyembro ng isang team o orkestra para maisakatuparan ang iisang mithiin. Maaari nating isipin na ang mga ito ay isang bangko, isang team, o isang orkestra—tulad ng Panguluhang Diyos—na ang bawat miyembro ay gumaganap ng hiwalay na tungkulin at nakikipagtulungan sa iba nang may pagkakaisa.

Alamin ang iba pa