2012
Kung minsan tinatanong ako ng mga tao tungkol sa temple garment, na minsan ay sa walang-galang na pananalita. Ano ang dapat kong sabihin sa kanila?
Setyembre 2012


Kung minsan tinatanong ako ng mga tao tungkol sa temple garment, na minsan ay sa walang-galang na pananalita. Ano ang dapat kong sabihin sa kanila?

Una sa lahat, kapag walang-galang ang mga tao sa kanilang pananalita sa pagtukoy sa mga temple garment, talagang marapat lamang na buong hinahon mong hilingin sa kanila na magpakita ng higit na paggalang, dahil ang garment ay sagrado sa atin.

Maaari mo ring sabihin na ang mga miyembro at lider sa maraming relihiyon ay nagsusuot ng mga kasuotang kumakatawan sa kanilang pananampalataya o sa kanilang opisyal na responsibilidad, kaya’t ang katunayan na kasama sa ating relihiyon ang espesyal na kasuotan ay hindi naman talaga kakaiba.

Upang ipaliwanag ang kahalagahan ng mga temple garment, masasabi mo na ang mga ito ay simple, disenteng pag-ilalim na kasuotan na ibinibigay sa mga miyembro ng Simbahan na nasa hustong gulang na bilang bahagi ng espesyal na mga seremonya sa ating mga templo. Sa mga seremonyang ito, nangangako tayong mamumuhay sa paraan na nais ni Jesucristo, at ang garment ay kadalasang pisikal na paalala sa personal at espirituwal na pangakong ito. Sa ganitong paraan, nakatutulong ang garment upang pangalagaan tayo laban sa tukso at sa masama.