2012
Kailan hindi angkop magbahagi ng mga espirituwal na karanasan?
Setyembre 2012


Kailan hindi angkop magbahagi ng mga espirituwal na karanasan?

Ang pagbabahagi ng ating mga espirituwal na karanasan sa mga taong handang pakinggan ang mga ito ay isang napakagandang paraan ng pagpapalakas ng pananampalataya at patotoo ng iba. Halimbawa, kung nadarama mong dapat mong ikuwento ang tungkol sa sagot sa panalangin, magkakaroon ng dagdag na pananampalataya ang iba na masasagot ang kanilang mga panalangin. Ngunit kung nagkaroon ka ng di-pangkaraniwan o napaka-espirituwal na karanasan, makabubuting huwag ibahagi ito maliban kung ipadama sa iyo ng Espiritu Santo na ibahagi ito.

Sinabi ni Pangulong Boyd K. Packer, Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Natutuhan ko na ang matitindi at nakaaantig na espirituwal na karanasan ay hindi madalas dumarating sa atin. At kapag dumating ang mga ito, karaniwang ito ay upang palakasin, turuan, o iwasto tayo. …

“Naniniwala rin ako na hindi makatutulong na patuloy na ikuwento ang mga kakaibang espirituwal na karanasan. Dapat pangalagaang mabuti ang mga ito at ibahagi lamang kapag ipinahiwatig ng Espiritu na gamitin ang mga ito para pagpalain ang iba. …

“Naniniwala ako na dapat nating ingatan ang mga bagay na ito at pagnilayan sa ating mga puso.”1

Tala

  1. Boyd K. Packer, “The Candle of the Lord,” Tambuli, Hulyo 1983, 31.