2012
Alam ang Sasabihin
Setyembre 2012


Mga Kabataan

Alam ang Sasabihin

Kung dama ninyong hindi sapat ang inyong nalalaman tungkol sa ebanghelyo para maibahagi ito sa iba, mapanatag sa mga pangakong ito mula sa mga banal na kasulatan:

“Itaas ang inyong mga tinig sa mga taong ito; sabihin ninyo ang mga bagay na ilalagay ko sa inyong mga puso, at hindi kayo malilito sa harapan ng mga tao;

 “Sapagkat ibibigay sa inyo sa mga oras na yaon, oo, sa sandali, kung ano ang inyong sasabihin” (D at T 100:5–6).

“Ang Mangaaliw, sa makatuwid baga’y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo’y aking sinabi” (Juan 14:26).

Napakagandang mga pangako ito, ngunit para makamtan ang mga ito, kailangang gawin natin ang ating bahagi. Sa mensaheng ito, itinuro sa atin ni Pangulong Eyring kung paano tayo: “Mag[ha]handang magbahagi [ng ebanghelyo] sa pamamagitan ng pagpuno sa inyong isipan araw-araw ng mga katotohanan ng ebanghelyo.” Ano ang magagawa ninyo para mapuno ang inyong isipan ng mga katotohanan ng ebanghelyo?