2012
Komentaryo
Setyembre 2012


Komentaryo

Sa Pamamagitan ng Maliliit at mga Karaniwang Bagay

Ang anak kong si Taylor (Elder Mulford) ay nagmimisyon sa isla ng Bora Bora sa Tahiti. Sinabi niya sa akin kamakailan lang na nagtungo sa Bora Bora ang stake president at ikinuwento sa mga misyonero ang pagpunta niya sa isang barbero, na isang miyembro, para magpagupit. Tinanong niya ang barbero kung bakit wala ang mga magasing Liahona sa mga magasing mababasa ng mga kliyente niya. Nangako ang barbero na sa susunod niyang pagpunta, may daratnan siyang mga Liahona roon. Gayunman, nang pumunta ulit ang stake president sa barbero, wala pa ring mga Liahona. Malungkot niyang tinanong ang barbero kung bakit. Ipinaliwanag ng barbero na tuwing maglalabas siya ng Liahona, may babasa rito, tatanungin siya ng maraming bagay, at pagkatapos ay hihingin na ang magasin. Sinabi ng barbero na wala na siyang maipamigay na mga magasin, pero idinagdag niya na marami sa mga taong humingi ng magasin ang nagpapaturo na ngayon sa mga missionary.

Nakikinita ba ninyo ang maaaring mangyari kung bawat doktor, dentista, at barbero sa Simbahan ay maglalagay ng ilang magasin ng Simbahan sa kanyang waiting room? Sumusulong ang Simbahan dahil sa maliliit at mga karaniwang bagay na ginagawa ng mga miyembro.

Burdell Mulford, Utah, USA

Mangyaring ipadala ang inyong feedback o mga mungkahi sa liahona@ldschurch.org. Ang mga isinumite ay maaaring i-edit para umakma ang haba o mas luminaw pa.