2012
Sa mga Balita
Setyembre 2012


Sa mga Balita

Nakatulong ang Pag-upgrade ng LDS Maps na Makita ng mga Miyembro ang mga Lokasyon ng Simbahan

Kabilang sa bagong bersyon ng LDS Maps ang iba’t ibang feature na magpapadali sa paghahanap ng mga miyembro sa mga miyembro ng stake, meetinghouse, templo, at iba pang pasilidad ng Simbahan.

Para ma-access ang bagong LDS Maps, magpunta sa LDS.org > Tools > Maps. Makukuha ito sa 16 na wika—Chinese, Czech, Danish, Dutch, English, Finnish, French, German, Italian, Japanese, Korean, Norwegian, Portuguese, Russian, Spanish, at Swedish.

Kabilang sa mga bagong feature ang mga household verification, map display option, pinagbuting iPad at tablet support, unit boundary map, Locate Me feature, at pinaghusay na mga print option.

Mahahanap ng mga taong gumagamit ng bagong bersyon ang mga sambahan ng LDS, makikita nila ang direksyon papunta sa lugar at maipi-print ito, at maibabahagi nila ang mga map link gamit ang social media. Gayundin, kapag nag-sign in sa isang LDS Account, makikita ng mga miyembro ang partikular na impormasyon tungkol sa ward at stake at sa kalapit na mga lugar.

Inaanyayahan ang mga Miyembro na Magsumite ng mga Retratong may Kinalaman sa Pangkalahatang Kumperensya sa mga Magasin

Hinihilingan ng mga magasing Liahona at Ensign ang mga miyembro na makibahagi sa darating na pangkalahatang kumperensya, at sa susunod pang mga pangkalahatang kumperensya, sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga retratong may kinalaman sa kumperensya mula sa kanilang lugar pagkaraan ng kumperensya. Ang mga retratong ito ay maaaring isama sa paglalathala ng mga isyu ng magasin sa Mayo at Nobyembre.

Maisusumite ng mga miyembro ang kanilang mga retrato nang mabilis at madali sa LDS.org sa pagpunta sa Menu > Magazines (o pag-type sa lds.org/magazine), at pag-klik sa Submit Your Material sa kanang hanay ng landing page ng magazines.

Ang mga pahina sa Liahona at Ensign ay may mga bahagi ring pinamagatang “Submit Material” kung saan maa-access ng mga miyembro ang mga online form para magsumite ng mga retrato.

Dapat rebyuhin ng mga miyembro ang Image Guidelines bago isumite ang kanilang retrato. Ang mga tuntunin sa ilalim ng “General Conference Photos” ay idinedetalye ang format, kalidad, at nilalaman ng retrato na hinahanap ng mga editor ng magasin, gayundin ang deadline para sa pagsusumite ng mga retrato sa kumperensya.

Inilabas na ang Tablet App para sa Liahona

Ang Simbahan ay naglabas ng bagong prototype tablet app na nagtatampok sa nilalaman ng magasin. Kabilang sa LDS Liahona app ang mga isyu ng Oktubre 2011, Nobyembre 2011, at Mayo 2012 ng magasin—sa madaling salita, ang isyu tungkol sa Aklat ni Mormon at ang mga isyu ng dalawang pinakahuling pangkalahatang kumperensya.

Ang LDS Liahona ay makukuha sa English, Portuguese, at Spanish at ang mga mambabasa ay mas nakauugnay—mas nakatutuon—sa nilalaman ng magasin; halimbawa, mababasa nila ang magasin habang nakikinig sa audio file ng tekstong binabasa nila. Ang app ay ginawa upang gamitin sa mga platform ng Android o Apple.

Kabilang sa mga bagong labas na LDS Maps ang mga household verification, map display option, pinagbuting iPad at tablet support, unit boundary map, Locate Me feature, at pinaghusay na mga print option.