2012
Hi! Ako si Timofei mula sa Kyiv, Ukraine
Setyembre 2012


Hi! Ako si Timofei mula sa Kyiv, Ukraine

Nakatira ang anim-na-taong-gulang na si Timofei sa Kyiv, Ukraine, ang kabisera ng Ukraine at tahanan ng unang templo sa kanyang bansa. Sabik na si Timofei sa bagong templo at sa iba pang mga bagay. Masayang-masaya siya nang matanggal ang unang dalawa niyang ngipin. Binunot ng kanyang ama ang isa sa bahay ng kanyang lola, at ang isa naman ay kusang natanggal.

Sa paaralan tinanong ko ang tatlong kaibigan ko kung naniniwala sila sa Diyos. Oo ang sabi nila. Sinabi ko na naniniwala rin ako. Binigyan ko sila ng imbitasyon sa temple open house. Sabi nila, “OK, pupunta kami.”

Ngayong taon nagsimula akong mag-aral ng karate dahil nag-aaral din ng karate ang tatay ko at mga kapatid kong lalaki. Natuto akong sumuntok, protektahan ang sarili ko, at magbuhat ng mabibigat na bagay.

Mahilig kaming magkapatid na gumawa ng mga bahay, kotse, at tau-tauhan gamit ang aming building blocks.

Naglingkod ang mga kapatid kong lalaki sa temple open house. Gusto ko ring maglingkod doon, pero napakabata ko pa. Dalawang beses akong nagpunta sa open house tour sa templo. Gusto ko talaga iyon.

Noong summer tinuruan ako ng dalawang kapatid kong lalaki na maglaro ng football. Tinuruan nila akong tumakbo sa field at bantayan ang goal. Kahit mas matanda sila, nakikipaglaro ako sa kanila at sa mga kaibigan nila.

Gusto ko ang mga laruang kotse ko. Dahil bakal ang mga ito, hindi ito nababasag at nasisira. Matagal nang nasa akin ang mga ito, at halos wala pang gasgas ang mga ito.

Gusto ko talagang matulog sa gabi na katabi ang mga laruan ko. Kapag tulog na ang mga kuya ko, nilalaro ko saglit ang mga laruan ko.

Mga larawang kuha ni Chad E. Phares