Countdown ng Pangkalahatang Kumperensya
Makapaghahanda kayo para sa pangkalahatang kumperensya sa pamamagitan ng paggupit sa mga kapirasong papel sa ibaba at pagdidikit ng mga dulo nito para makabuo ng kadena. Bawat araw sa loob ng dalawang linggo bago ang kumperensya, kumuha ng isang kawing mula sa kadena at gawin ang nakasulat sa kapirasong papel. Habang umiikli ang kadena, papalapit naman ang kumperensya!
-
Basahin ang tungkol sa Liahona ni Lehi (tingnan sa 1 Nephi 16:10, 28, 29 at Alma 37:38–40). Paano naging katulad ng Liahona ang mga salita ng mga propeta para sa mga pamilya ngayon?
-
Maghanap ng mga larawan ng propeta at mga apostol sa Liahona ng Mayo o Nobyembre o sa lds.org/church/leaders at alamin ang mga pangalan nila.
-
Kunwari ay hinilingan kang magsalita sa Primary tungkol sa mga propeta. Ano ang sasabihin mo?
-
Kantahin ang himnong “Salamat, O Diyos, sa Aming Propeta” (Mga Himno, blg. 15).
-
Anong paksa ng ebanghelyo ang gusto mong mas matutuhan pa sa kumperensya? Gumawa ng listahan ng mga salitang pakikinggan.
-
Ipagdasal na tulungan kang magpokus at madama ang Espiritu sa kumperensya. Maaari mo ring ipagdasal ang mga pinuno ng Simbahan na magsasalita.
-
Ibahagi sa iyong mga magulang o mga miyembro ng pamilya kung bakit mo inaasam ang kumperensya.
-
Basahin ang tungkol sa pagsasalita ni Haring Benjamin sa kanyang mga tao (tingnan sa Mosias 2:1, 5, 9, 41). Paano naging katulad ng pangkalahatang kumperensya ang pulong na iyon?
-
Idrowing ang larawan ng iyong paboritong propeta mula sa mga banal na kasulatan.
-
Gumawa ng journal kung saan makapagtatala o makapagdodrowing ka tungkol sa mga mensahe sa kumperensya. May makikita kang notebook sa kumperensya na maaaring i-print sa lds.org/general-conference/children.
-
Kantahin ang awiting “Propeta’y Sundin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 58–59).
-
Basahin ang tungkol sa mabubuting Nephita sa 4 Nephi 1:12–13, 16. Ano ang ginawa nila nang sila ay magkita-kita?
-
Basahin ang kuwentong “Kaibigang Misyonero” sa pahina 60 ng isyung ito.
-
Talakayin ang turong ito mula kay Elder M. Russell Ballard: “Kung makikinig kayo sa buhay na propeta at [mga] apostol at didinggin [ninyo] ang aming payo, hindi kayo maliligaw” (“Nagsalita Sila sa Atin,” Liahona, Hulyo 2001, 116.)