2012
Kunwa-kunwariang Primary
Setyembre 2012


Kunwa-kunwariang Primary

  1. Hindi maganda ang pakiramdam ni Sophie nang maupo siya para mag-almusal noong Linggo ng umaga.

    Sophie, sori. Maysakit ka kaya hindi ka makakasimba ngayon.

  2. Nagsimulang umiyak si Sophie.

    Pero gusto kong magpunta sa Primary.

    Siguro may magagawa tayong espesyal sa bahay.

  3. Malungkot si Sophie. Nagpunta siya sa kanyang kuwarto at tinakpan ng kumot ang kanyang mukha. Pagkatapos ay may naisip siya.

    Siguro puwede kaming magkaroon ng kunwa-kunwariang Primary sa bahay ngayon.

  4. Habang nagbibihis ang mga kapatid na lalaki ni Sophie para magsimba, isinuot ni Sophie ang kanyang damit-pangsimba. Binihisan din niya nang maganda ang kanyang mga manyika at stuffed toys para makapunta sila sa kunwa-kunwariang Primary.

  5. Nang magsimba na ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya, inayos nina Sophie at Inay ang sala na kunwari’y Primary room. Nag-teyp si Sophie ng mga larawan ni Jesus sa dinding at kumuha ng Aklat ng mga Awit Pambata mula sa istante. Naglabas din siya ng mga krayola at banal na kasulatan.

  6. Naupo si Sophie sa sopa kasama ang kanyang mga manyika at stuffed toys. Si Inay ang nag-alay ng pambungad na panalangin. Pagkatapos ay kumanta sina Sophie at Inay ng “Ako ay Anak ng Diyos” at “Templo’y Ibig Makita.”

  7. Masaya si Sophie sa kunwa-kunwariang Primary. Pati mga manyika at stuffed toys niya ay tahimik na nakaupo.

  8. Pagkatapos ng kunwa-kunwariang Primary, inihiga ni Inay si Sophie sa kama nito para umidlip.

    Salamat po sa kunwa-kunwarian nating Primary. Pero sabik na po akong makapunta sa totoong Primary sa susunod na linggo!

Mga paglalarawan ni Scott Peck