Mas Magkakatulad Kaysa Magkakaiba
Sa paglipat ng mga kabataang babae sa Relief Society at sa pangtanggap sa kanila rito ng mga kababaihan, mabilis nilang matutuklasan na marami silang pagkakapareho.
Sa isang pinagsamang aktibidad ng Young Women at Relief Society, isang 18-taong-gulang na Laurel at isang 81-taong-gulang na babae ang hinilingang talakayin ang kanilang mga unang deyt. “Kapwa sila masayang nagulat na malaman ang mga pagkakatulad ng dalawang karanasan na ilang dekada ang agwat nang mangyari sa isa’t isa.”1 Natuklasan nila na mas marami silang pagkakatulad kaysa inakala nila.
Ang paglipat sa Relief Society mula sa Young Women ay kadalasang tila nakababahala, at kung minsan nakakatakot pa nga. Bilang young woman, maaaring naitatanong ninyo, “Mayroon ba akong anumang pagkakatulad sa nakatatandang kababaihang ito? May lugar ba para sa akin sa Relief Society?”2
Ang sagot sa mga tanong na iyon ay isang malakas na oo! Tulad ng dalawang babae sa kuwento sa itaas, maaari ninyong makita na mas marami kayong pagkakatulad sa isa‘t isa kaysa inakala ninyo. At “oo” may lugar para sa inyo sa Relief Society. Ngunit, tulad ng lahat ng pagsulong sa mga yugto ng buhay, kailangan nating magtulungan upang magtagumpay.