Isang Hakbang Palapit sa Pasko ng Pagkabuhay
Bawat linggo sa buwang ito, kayo ng pamilya mo ay mas maraming matututuhan tungkol kay Jesus at sa Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli. Siya ay buhay!
Aktibidad sa Linggo 1: Nagpunta si Jesus sa Jerusalem
Mga Banal na Kasulatan: Mateo 21:1, 6–11.
Awitin: “Easter Hosanna” (Liahona, Abr. 2003; makukuha sa LDS.org)
Palaspas ng Hosana: Gumawa ng palaspas para ipaalala sa inyo ang iwinagayway ng mga tao para salubungin si Jesus. Gumupit ng lima o anim na hugis ng kamay sa berdeng papel (o gumamit ng puting papel at kulayan ito ng berde). Idikit ang mga ito sa isang patpat.
Ano ang isang paraan na maipapakita ninyo ang inyong pagmamahal kay Jesus?
Linggo 2: Ibinigay sa Atin ni Jesus ang Sakramento
Mga Banal na Kasulatan: Lucas 22:1, 14, 19–20
Awitin: “Aba Naming Kahilingan” (Mga Himno, blg. 102)
Paalala sa Sakramento: Ilista ang mga salitang nagpapaalala sa inyo ng mga bagay na ginawa ni Jesus para sa atin. Ilagay ang listahan ninyo sa inyong mga banal na kasulatan kung saan ninyo ito matitingnan sa oras ng sacrament.
Paano ninyo maaalala si Jesus sa bahay o sa paaralan?
Linggo 3: Nagpakita ng Kabaitan si Jesus
Mga Banal na Kasulatan: Lucas 22:47–51; Lucas 23:33–34; Juan 19:25–27
Awitin: “Isinugo, Kanyang Anak” (Aklat ng mga Awit Pambata, 20)
Easter Bag: Ilagay ang mga bagay na ito sa isang bag na bubuksan sa Linggo ng Pagkabuhay. Malalaman ninyo ang paggagamitan nito sa aktibidad sa susunod na linggo:
(1) tatlong barya, (2) maliit na tasa, (3) nakabuhol na pisi, (4) sabon, (5) maliit na piraso ng pulang tela, (6) maliit na krus na yari sa toothpick, (7) puting tela, (8) cinnamon stick o iba pang spice, (9) maliit na bato, (10) nakatuping puting tela, (11) larawan ni Jesus.
Paano ninyo masusunod si Jesus sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabaitan?
Linggo 4: Siya ay Muling Nabuhay!
Awitin: “Si Jesus Ba ay Nagbangon?” (Aklat ng mga Awit Pambata, 45)
Mga Banal na Kasulatan at Aktibidad: Habang binabasa ninyo ang mga talatang ito, ilabas ang magkakatugmang bagay sa inyong Easter Bag.
(1) Mateo 26:14–15; (2) Mateo 26:36, 39; (3) Mateo 27:1–2; (4) Mateo 27:22, 24; (5) Mateo 27:28–29; (6) Mateo 27:31; (7) Mateo 27:59; (8) Juan 19:40; (9) Juan 20:1–4; (10) Juan 20:5–7; (11) Juan 20:10–20
Paano kayo sumasaya sa kaalaman tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesus?