2016
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Marso 2016


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

Larawan
family at family home evening

“Paano Magkaroon ng Pagkakaisa,” pahina 61: Ipinaalala sa atin ni Pangulong Eyring na ang isang paraan para magkaroon tayo ng pagkakaisa ay sa pagsasalita ng maganda tungkol sa isa’t isa. Maaari ninyong praktising magsalita nang magiliw sa pamamagitan ng pagdudula-dulaan ng mga sitwasyon na hinihingan ng opinyon ang mga miyembro ng pamilya tungkol sa ibang tao. Magagamit ninyo ang mga tanong na gaya ng “Kumusta na ang kapatid mo?” o “Nagustuhan mo ba ang guro mo sa Sunday School?” Pag-usapan ang mga paraan na makapagsasalita kayo ng mas maganda tungkol sa isa’t isa at para lalo pang magkaisa ang pamilya. Maaari ninyong tapusin ang inyong family home evening sa pagkanta ng “Tayo nang Mag-usap nang Marahan” (Mga Himno, blg. 143).

“Isang Tunay na Perlas,” pahina 66: Isiping gumawa ng imbentaryo ng mga talento ng pamilya. Maaari ninyong ilista ang mga talentong natamo o gustong matamo ng mga miyembro ng pamilya. Maaari din kayong magpalitan ng mga ideya sa pagpapahusay at paggamit ng mga talentong iyon. Maaari mong itanong, “Sino sa ating pamilya, ward, o mga kapitbahay ang maaaring makinabang sa mga talento ng ating pamilya?” Isiping gumawa ng mga plano na magtamo ng mga talento at gamitin ang mga ito sa paglilingkod sa Ama sa Langit tulad ng ginawa ni Jetta sa kuwento.

Print