2016
Matapang si Abinadi
Marso 2016


Bayani sa Aklat ni Mormon

Matapang si Abinadi

Abinadi was courageous

Sinabi ni Abinadi sa mga Nephita na nais ng Ama sa Langit na magsisi sila. Ayaw magsisi ni Haring Noe at ng kanyang mga saserdote, at nagbanta silang sasaktan si Abinadi. Ngunit sumunod siya sa Ama sa Langit at patuloy na nangaral. Paano kayo magiging matapang na tulad ni Abinadi?

Matapos magsimba isang araw ng Linggo, nag-uwi ako ng ilang pass-along card. May ilang kaibigan ako sa paaralan na hindi LDS, at gusto ko silang bigyan ng isang card kinabukasan. Nang gabing iyon nagsimula akong kabahan, kaya lumuhod ako at nagdasal. Gumanda ang pakiramdam ko at lumakas ang loob ko, at kinabukasan ay ibinigay ko ang mga card sa mga kaibigan ko. Nagustuhan nila ito, at tuwang-tuwa ako na ibinigay ko ang mga card sa kanila.

Ava M., edad 8, Utah, USA