2016
Young Women
Marso 2016


Young Women

Ipinapangako ko sa inyo mga kabataang babae na kapag nagsikap kayong makilala ang kababaihan sa inyong ward, pagpapalain nila ang inyong buhay at magiging pagpapala kayo sa kanila. Lubos na makilahok at ipaalam na handa kayong maging aktibong miyembro ng isa sa mga pinakamatagal at pinakamalaking organisasyon ng kababaihan sa mundo. Kayo ay mahalagang bahagi ng gawain ng kaligtasan sa mga huling araw, at bilang anak na babae ng Ama sa Langit na tumutupad sa tipan, handa kayong gawin ang inyong bahagi sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos sa lupa. Ihanda ang inyong sarili na magkaroon ng napakagandang karanasan.

Ano ang Magagawa ng 18-Taong-Gulang na mga Laurel?

Habang lumilibot ang inyong tingin sa silid ng Relief Society na puno ng kababaihan na iba’t iba ang edad, itanong, “Ano ang maaari kong matutunan mula sa kahanga-hangang kababaihang ito?” Kapag binuksan ninyo ang inyong puso’t isipan, magugulat kayo sa mabubuo ninyong mga pakikipagkaibigan sa kababaihang nakatatanda sa inyo ngunit napakaraming maibabahaging karanasan at karunungan.

Ano ang Magagawa ng mga Lider ng Young Women?

Ang inyong saloobin tungkol sa pagiging aktibong miyembro ng Relief Society ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa nadarama ng mga kabataang babae sa inyong mga klase tungkol dito. Maaari kayong magbahagi ng mga personal na karanasan na nagpapakita kung paano kayo napagpala o paano napagpala ang buhay ng iba sa pamamagitan ng pakikibahagi sa Relief Society. Dapat ninyong hikayatin at tulungan ang 18-taong-gulang na mga Laurel na gawing masaya ang paglipat sa Relief Society.