Notebook ng Kumperensya ng Oktubre 2015
“Kung ano ang sinabi ko, ang Panginoon, ay sinabi ko; … maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa” (D at T 1:38 ).
Habang nirerepaso mo ang pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2015, magagamit mo ang mga pahinang ito (at ang mga Notebook ng Kumperensya sa susunod na mga isyu) para matulungan kang pag-aralan at ipamuhay ang mga itinuro kamakailan ng mga buhay na propeta at apostol at ng iba pang mga pinuno ng Simbahan.
Batay sa kanilang “kaalaman tungkol sa awa at kapangyarihan ng Panginoon,” pinili ng pamilya ni Sister Neill F. Marriott ang “Magiging maayos ang lahat” bilang sawikain ng kanilang pamilya. Sa inyong pamilya, maaari ninyong talakayin kung paano kayo pinalalakas ng Tagapagligtas, at pagkatapos ay lumikha ng sawikain ng sarili ninyong pamilya. (Tingnan sa Neill F. Marriot, “Pagpapasakop ng Ating Puso sa Diyos,” 30.)
Bawat kumperensya, ang mga propeta at apostol ay nagbibigay ng inspiradong mga sagot sa mga tanong ng mga miyembro ng Simbahan. Gamitin ang iyong isyu ng Nobyembre 2015 o bisitahin ang conference.lds.org para makita ang mga sagot sa mga tanong na ito:
“Hindi mahalaga kung anong kasalanan ang nagawa natin o gaano kalalim ang pagkalubog natin sa hukay na iyon ng pagkakasala. …
“… Ang mahalaga ay nagsumamo si Cristo sa Ama alang-alang sa atin … Iyan ang talagang mahalaga at siyang dapat magbigay sa ating lahat ng panibagong pag-asa at determinasyong sumubok pang muli, dahil hindi Niya tayo nalilimutan.
“Pinatototohanan ko na ang Tagapagligtas ay hindi kailanman tatalikod sa atin kapag mapagpakumbaba natin Siyang hahanapin upang magsisi; hindi magsasabing wala na tayong pag-asa; hindi sasabihing, ‘Naku, Ikaw na naman’; hindi tayo tatanggihan dahil sa di-pagkaunawa kung gaano kahirap umiwas sa kasalanan. Ganap Niya itong nauunawaan. …
“Ang pagsisisi … ay may kapangyarihang mag-alis ng pasanin at palitan ito ng pag-asa.”
Para mabasa, mapanood, o mapakinggan ang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, bisitahin ang conference.lds.org