Tampok na Doktrina
Pagbabayad-sala ng Ating Tagapagligtas
“Ang Pagbabayad-sala ng ating Tagapagligtas ay higit pa ang ginagawa kaysa tiyakin sa atin ang imortalidad sa pamamagitan ng pagkabuhay na mag-uli ng buong sansinukob at naglalaan ng pagkakataon na maging malinis tayo mula sa kasalanan sa pamamagitan ng pagsisisi at pagpapabinyag. Binibigyan din tayo ng Kanyang Pagbabayad-sala ng pagkakataong manawagan sa Kanya na dumanas ng lahat ng ating mortal na kahinaan upang pagalingin at palakasin tayo na dalhin ang mga pasanin ng mortalidad. Alam niya ang ating dalamhati, at nariyan Siya para sa atin. Gaya ng mabuting Samaritano, kapag nakita Niya tayong sugatan sa tabing-daan, bebendahan Niya ang ating mga sugat at aalagaan tayo (tingnan sa Lucas 10:34). Ang nagpapagaling at nagpapalakas na kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay para sa ating lahat na hihingi.”
Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Pinalakas ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo,” Liahona, Nob. 2015, 64.