2016
Relief Society
Marso 2016


Relief Society

Bilang kababaihan ng Relief Society, paano ninyo matutulungan ang “bagong lipat na kababaihan” na magtagumpay sa ating mahalagang bahagi sa gawain ng kaligtasan? Maipauunawa ninyo sa kanila na sila ay mahalagang bahagi ng sagradong gawain sa kaharian ng Diyos. Ang pagbabahagi ng aklat o online link sa Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian ay makakatulong para ipaliwanag ang ating sagradong gawain sa Relief Society.

Maaari kayong magkapit-bisig at buksan ang inyong puso sa mga kabataang babae habang sama-sama tayong naghahanda para sa pagpapala ng buhay na walang hanggan. Maaari ninyong kaibiganin ang mga kabataang babae. Sa paggawa nito, matutupad ninyo ang hangarin ni Lucy Mack Smith para sa kanyang unang mga kapatid sa Relief Society: “Kailangan nating pakamahalin ang isa’t isa, [pangalagaan] ang isa’t isa, aliwin ang isa’t isa at maturuan, upang makaupo tayo nang magkakasama sa langit.”3

Ano ang Magagawa ng mga Lider at Kababaihan ng Relief Society?

Kilalanin na ang mga kabataang babae ay may mga talento, kaloob, at sabik na magbahagi. Tiyakin na sa pagpasok ng mga kabataang babae sa Relief Society, may kaibigan silang makakatabi sa upuan. Bigyan sila ng mga pagkakataong idagdag ang kanilang masiglang impluwensya sa Relief Society. Isipin na hindi lamang malaki ang impluwensya ninyo sa nakababatang mga kapatid na babaeng ito, kundi maaari silang maging mapagmahal na mga halimbawa sa inyo. Kung nagtuturo kayo ng mga aralin sa Relief Society, tiyaking isama ang mga sitwasyon ng lahat ng edad na tinuturuan ninyo—hindi lamang ng mga ina. Ang mga kabataang babae ay maaari ring bigyan ng mga pagkakataong magturo sa Relief Society. Maaari ninyong subukang ipares ang nakababatang kababaihan sa nakatatandang kababaihan sa visiting teaching at mga pagkakataong maglingkod. Maaari kayong maging pagpapala at huwag ninyong hayaang maging hadlang ang edad.

Print