Pag-aaral ng Doktrina
Unang Pangitain
Noong tagsibol ng 1820, ang Diyos Ama at si Jesucristo ay nagpakita kay Joseph Smith nang manalangin siya sa kakahuyan malapit sa kanyang tahanan sa dakong kanluran ng New York. Ang pangyayaring ito ay nakilala bilang ang Unang Pangitain.
Buod
Noong tagsibol ng 1820, ang Diyos Ama at si Jesucristo ay nagpakita kay Joseph Smith nang manalangin siya sa kakahuyan malapit sa kanyang tahanan sa dakong kanluran ng New York. Ang pangyayaring ito ay nakilala bilang ang Unang Pangitain. (Para mabasa ang tungkol sa pangitain sa mga salita mismo ni Joseph, mag-klik dito.)
Noong unang bahagi ng 1800s sa Estados Unidos labis na naging interesado ang mga tao tungkol sa relihiyon. Sumapi sa iba-ibang simbahan ang mga kapamilya ni Joseph, ngunit hindi sigurado si Joseph kung alin sa mga ito ang sasapian niya.
Noong 14 na taong gulang si Joseph, nabigyang-inspirasyon siya ng Santiago 1:5, na nangangakong, “Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos na nagbibigay nang sagana sa lahat at hindi nanunumbat, at iyon ay ibibigay sa kanya.” Nagpasiya si Joseph na manalangin upang malaman kung aling simbahan ang sasapian niya at upang humingi ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan.
Nang lumuhod si Joseph para isamo ang mga naisin ng kanyang puso, isang madilim na kapangyarihan ang sumunggab sa kanya. Pinigilan nito ang kanyang dila para hindi makapagsalita habang nakapalibot sa kanya ang makapal na kadiliman. Ginawa ni Joseph ang lahat ng kanyang makakaya para manalangin sa Diyos.
Inilarawan niya ang sumunod na nangyari:
“Ako ay nakakita ng isang haligi ng liwanag na tamang-tama sa tapat ng aking ulo, higit pa sa liwanag ng araw, na dahan-dahang bumaba hanggang sa ito ay pumalibot sa akin.
“… Nang tumuon sa akin ang liwanag, nakakita ako ng dalawang Katauhan, na ang liwanag at kaluwalhatian ay hindi kayang maisalarawan, nakatayo sa hangin sa itaas ko. Ang isa sa kanila ay nagsalita sa akin, tinatawag ako sa aking pangalan, at nagsabi, itinuturo ang isa—Ito ang Aking Pinakamamahal na Anak. Pakinggan Siya!” (Joseph Smith—Kasaysayan 1:16–17).
Nang sandaling iyon na magpakita ang liwanag, naramdaman ni Joseph na naligtas siya mula sa kaaway na sumunggab sa kanya. Nakadama si Joseph ng malaking kagalakan at pagmamahal nang ilang araw pagkatapos niyon.
Sa pangitain, itinanong ni Joseph kung aling simbahan ang tama, at sumagot si Jesucristo, sinasabi kay Joseph na huwag sumapi sa alinman sa mga ito. Ipinaliwanag ng Panginoon na lahat ng simbahan ay naniniwala “sa maling mga doktrina, at wala ni isa man sa kanila ang kinikilala ng Diyos bilang Kanyang Simbahan at kaharian” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 514; Times and Seasons, Mar. 1, 1842, p. 707; tingnan din sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:19).
Ang Unang Pangitain ang nagpasimula sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo sa huling dispensasyong ito. Si Joseph Smith ang pinili na maging propeta ng Panginoon sa mga huling araw. Sa paglipas ng panahon, ipinanumbalik ng Panginoon ang Kanyang awtoridad at Simbahan sa pamamagitan ni Joseph Smith. Muling napagpala ang mga anak ng Diyos ng paghahayag sa pamamagitan ng mga propeta na tinawag ng Diyos, tulad noong panahon ng Biblia. Patuloy ang paghahayag hanggang ngayon sa pamamagitan ng bawat isa sa mga hinirang na propeta ng Diyos na sumunod kay Joseph Smith.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang “Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo: Isang Proklamasyon sa Mundo para sa Ika-200 Taong Anibersaryo.”
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Unang Pangitain,” “Pagpapanumbalik ng Ebanghelyo,” “Smith, Joseph, Jr.”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Mga Video
Mga Video ng Tabernacle Choir
“Joseph Smith’s First Prayer [Unang Panalangin ni Joseph Smith]”
Resources sa Pag-aaral
Pangkalahatang Resources
“Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith,” ChurchofJesusChrist.org
“Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo: Isang Proklamasyon sa Mundo para sa Ika-200 Taong Anibersaryo”
Mga Magasin ng Simbahan
Ted Barnes, “Dahil Kay Joseph,” Liahona, Abril 2015
“Si Jesucristo at ang Unang Pangitain,” Liahona, Enero 2013