Library
Mga Patriarchal Blessing


binatilyong nagbabasa

Mga Patriarchal Blessing

Kung nakatanggap ka na ng patriarchal blessing, maaari kang humiling ng kopya nito online.

Buod

Ang bawat karapat-dapat at nabinyagang miyembro ay may karapatan at nararapat na makatanggap ng patriarchal blessing, na nagbibigay ng inspiradong patnubay mula sa Panginoon. Ang mga patriarchal blessing ay naglalaman ng pagpapahayag ng angkan ng isang tao sa sambahayan ni Israel at ng mga personal na payo mula sa Panginoon. Kapag pinag-aaralan ng isang tao ang kanyang patriarchal blessing at sinusunod niya ang mga payo na nakapaloob dito, magbibigay ito ng gabay, kapanatagan, at proteksyon.

Pagpapahayag ng Angkan

Nakapaloob sa isang patriarchal blessing ang pagpapahayag ng angkan, na nagsasaad na ang isang tao ay nagmula sa sambahayan ni Israel—isang inapo ni Abraham, na kabilang sa isang partikular na lipi ni Jacob. Maraming Banal sa mga Huling Araw ang kabilang sa lipi ni Ephraim, ang liping binigyan ng pangunahing responsibilidad na mamuno sa gawain ng Panginoon sa mga huling araw.

Dahil maraming lahi na nananalaytay sa dugo ng bawat isa sa atin, maaaring ipahayag na magkaibang lipi ni Israel ang pinagmulan ng dalawang miyembro ng iisang pamilya.

Hindi mahalaga kung ang isang tao ay kalahi ng angkan sa sambahayan ni Israel o inampon lamang. Ang mga miyembro ng Simbahan ay itinuturing na inapo ni Abraham at tagapagmana ng lahat ng pangako at pagpapalang nakapaloob sa Tipang Abraham (tingnan sa Tipang Abraham).

Matututuhan mula sa Patriarchal Blessing

Dapat itong basahin ng mga yaong nakatanggap na ng patriarchal blessing nang buong pagpapakumbaba, nang may panalangin, at nang madalas. Ito ay naglalaman ng mga personal na paghahayag at tagubilin mula sa Ama sa Langit, na nakaaalam ng ating mga kalakasan, kahinaan, at walang hanggang potensyal. Ang mga patriarchal blessing ay maaaring maglaman ng mga pangako, payo, at babala.

Ang mga yaong sumusunod sa mga payo sa kanilang patriarchal blessing ay mas malamang na hindi malilihis o maliligaw ng landas. Sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa mga payo sa patriarchal blessing matatanggap ng isang tao ang mga pagpapalang nakapaloob dito.

Bagama’t naglalaman ng mga inspiradong payo at pangako ang patriarchal blessing, hindi dapat asahan na masasagot nito ang lahat ng tanong ng nakatanggap nito o na maidedetalye nito ang lahat ng mangyayari sa kanyang buhay. Kung hindi nabanggit sa patriarchal blessing ang isang mahalagang kaganapan, tulad ng full-time mission o pag-aasawa, hindi dapat isipin ng isang tao na hindi siya magkakaroon ng gayong pagkakataon.

Gayundin, hindi dapat isipin ng taong nakatanggap ng patriarchal blessing na ang lahat ng binanggit dito ay matutupad sa buhay na ito. Ang patriarchal blessing ay walang hanggan, at ang mga pangako nito ay maaaring hanggang sa mga kawalang-hanggan. Kung karapat-dapat ang isang tao, ang lahat ng pangako ay matutupad sa takdang panahon ng Panginoon. Ang mga pangako at pagpapalang iyon na hindi natupad sa buhay na ito ay matutupad sa kabilang-buhay.

Ang mga patriarchal blessing ay sagrado at personal. Ang mga ito ay maaaring ibahagi sa malalapit na kapamilya, ngunit hindi dapat basahin nang malakas sa publiko o ipabasa o pabigyang-kahulugan sa iba. Ni hindi rin ito dapat bigyang-kahulugan ng patriarch o ng bishop o branch president.

Dapat pahalagahan ng mga yaong nakatanggap na ng patriarchal blessing ang mga salita nito, pagnilayan ang mga ito, at mamuhay nang marapat upang matanggap ang mga ipinangakong pagpapala sa buhay na ito at sa kabilang-buhay.

Upang malaman kung paano makatatanggap ng patriarchal blessing, dapat kausapin ng mga miyembro ng Simbahan ang kanilang bishop o branch president.

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan

Mga Mensahe Mula sa mga Lider ng Simbahan

Karagdagang mga Mensahe

Mga Video

NaN:NaN

“Our Own Liahona”

3:38

“Enemy Territory [Teritoryo ng Kaaway]”

2:3

“Special Witness—President Nelson [Natatanging Saksi—Pangulong Nelson]”

2:3

“Declaration of Lineage in Patriarchal Blessings [Pagpapahayag ng Angkan sa Mga Patriarchal Blessing]”

2:3

“A Sacred Guideline [Isang Sagradong Patnubay]”

2:3

“The Office of Patriarch [Ang Katungkulan ng Patriarch]”

Resources sa Pag-aaral

Pangkalahatang Resources

Humiling ng kopya ng sarili mong patriarchal blessing o ng patriarchal blessing ng iyong ninuno, ChurchofJesusChrist.org

Mga Magasin ng Simbahan

Sino ang dapat kong kausapin tungkol sa pagkuha ng patriarchal blessing?Liahona, Hulyo 2010

Ang Inyong Patriarchal Blessing,” Liahona, Pebrero 2010

Robert K. Wagstaff, “Kailan Ko Dapat Kunin ang Aking Patriarchal Blessing?Liahona, Agosto 2009

Tungkol sa mga Basbas ng Patriarch,” Liahona, Marso 2004

Daniel H. Ludlow, “Of the House of Israel,” Ensign o Liahona, Enero 1991

Teaching Children about Patriarchal Blessings,” Ensign, Oktubre 1987

David A. Edwards, “What a Patriarchal Blessing Can Do for You,” New Era, Mayo 2013

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Kuwento

Resources sa Pagtuturo

Mga Kuwento at Aktibidad para sa Pagtuturo ng mga Bata

Patriarchal Blessings,” Lesson Helps for Teaching Children

Media

Audio

What is a Patriarchal Blessing,” The Latter-day Saints Channel Q&A, episode 62

Mga Larawan