2010
Ang Inyong Patriarchal Blessing
Pebrero 2010


Mga Kabataan

Ang Inyong Patriarchal Blessing

Inilarawan ni Pangulong Monson ang patriarchal blessing bilang “isang pansariling Liahona na maghahanda sa inyong landas at gagabay sa inyong daan.” Kaya ano ang pagpapalang ito, at paano ito makatutulong sa paggabay sa inyong buhay?

Ano ang patriarchal blessing?

May dalawang pangunahing layunin ang inyong basbas. Una, ihahayag nito ang inyong angkan, o kung saang lipi sa sambahayan ni Isarel kayo kabilang. Pangalawa, maglalaman ito ng impormasyon na tutulong upang magabayan kayo. Ang inyong basbas ay posibleng maglaman ng mga pangako, payo, at babala.

Ano dapat ang edad ko para tumanggap ng aking basbas?

Walang itinakdang edad, pero dapat ay nasa hustong edad na kayo para mapahalagahan ang kasagraduhan ng basbas. Maraming miyembro ang nagsisimula nang mag-isip tungkol sa pagtanggap ng kanilang basbas habang tinedyer sila.

Paano ko matatanggap ang aking basbas?

Una makipag-usap sa inyong bishop o branch president. Kung handa at karapat-dapat na kayo, tatanggap kayo ng recommend. Pagkatapos, maaari na kayong magpaiskedyul ng appointment sa patriarch ninyo.

Ano ang gagawin ko sa aking basbas?

Itabi ito sa isang ligtas na lugar, at basahin nang madalas. Tandaan, sagrado at para lamang sa inyo ang inyong basbas. Maaari ninyong ibahagi ito sa inyong pamilya, pero hindi ninyo dapat ibahagi ito nang hayagan. Bukod diyan, lahat ng biyayang babanggitin sa inyong patriarchal blessing ay batay sa inyong katapatan at sa takdang panahon ng Panginoon.