Ikapu Ang Pinakamagandang Pagpili
Mula sa mensahe sa pangkalahatang kumperensya na ibinigay noong Abril 2008.
-
Noong bata pa ako, binigyan ako ng kapitbahay ko ng isang bagong silang na guya.
-
Mahirap mag-alaga ng guya. Inalagaan ko ito at pinakain.
-
Noong araw na ipinagbili ni Itay ang guya ay sari-sari ang naramdaman ko. Napamahal na sa akin ang guya, pero inasam ko ring matanggap ang bunga ng pinaghirapan ko.
-
Nang umuwi si Itay, inilagay niya sa kamay ko ang 20 baryang pilak. Para bang nasa akin na ang lahat ng pera sa mundo.
-
Binilang ko ito, pinakintab, at humanga sa bawat barya.
-
Pagsapit ng Linggo inilagay ko sa bulsa ko ang dalawa sa mga barya bago pumunta sa simbahan para magbayad ng aking ikapu.
-
Mahirap para sa akin na ibigay ang aking ikapu sa bishop, ngunit masarap ang pakiramdam ko sa pagsunod sa Panginoon.
-
Sinabi ng nanay ko na ipinagmamalaki niya ako. Sinabi niya sa akin na pagpapalain ako sa pagbabayad ng ikapu at ito ang magandang pamumuhunang magagawa ko.