2010
Maze ng Ikapu
Pebrero 2010


Para sa Maliliit na Bata

Maze ng Ikapu

1. Ang pagbabayad ng ikapu ay utos mula sa Diyos. Nagbabayad tayo ng ikasampung bahagi ng ating kita. Si Amal ay kumita ng 10 barya. Ibabayad niya ang isang barya bilang ikapu.

2. Sinulatan ni Amal ang tithing slip.

3. Inilagay ni Amal ang tithing slip at ang barya sa isang sobre.

4. Ibibigay ni Amal ang sobre sa isang miyembro ng bishopric o branch presidency.

5. Ipadadala ang ikapu sa mga lider ng Simbahan.

6. Ang mga lider ng Simbahan ang magpapasiya kung saan talagang kailangang gamitin ang ikapu.

7. Ginagamit ang ikapu sa pagtatayo ng mga templo at meetinghouse. Pambayad din ito sa pag-iimprenta ng mga himnaryo at banal na kasulatan.

Paglalarawan ni Julie F. Young