Tampok na Templo
Bern Switzerland Temple
Noong 1906 apat na templo lamang ang nagagamit, lahat ng ito ay nasa Utah. Sa taong iyon, nagpropesiya si Pangulong Joseph F. Smith (1838–1918) sa Bern, Switzerland, na “darating ang panahon … na ang mga templo ng Diyos … ay itatayo sa maraming bansa ng mundo, sapagkat ang ebanghelyo ay kailangang lumaganap sa buong mundo.”1 Makalipas ang halos kalahating siglo, noong Setyembre 11, 1955, inilaan ni Pangulong David O. McKay (1873–1970) ang unang templo sa Europa, sa labas lamang ng Bern.
Ang templo ay nakatayo sa isang maganda at mataas na lugar sa Zollikofen. Ang tore nito ay may taas na 140 talampakan (43 m), at idinagdag ang estatwa ng anghel na si Moroni noong 2005.
Malinaw na nakita ni Pangulong McKay ang templo sa pangitain at detalyadong inilarawan ito sa arkitekto ng simbahan na si Edward O. Anderson kaya naidrowing niya ito sa papel. Sa pagpapatuloy ng proseso ng pagdidisenyo, bahagyang binago ang naunang drowing. Nang makita ang bagong mga drowing, sinabi ni Pangulong McKay, “Brother Anderson, hindi iyan ang templong nakita nating dalawa.” Ang pinakahuling mga drowing, di na kailangang sabihin pa, ang nagpakita ng orihinal na paglalarawan ni Pangulong McKay.