Ang Kasaysayan ng Simbahan sa Iba’t Ibang Panig ng Daigdig
Chile
Noong Mayo 1955 natanggap ng Argentine Mission ang pahintulot ng Unang Panguluhan na magpadala ng mga misyonero sa Chile. Nang sumunod na taon nagdatingan ang mga elder sa kabisera, ang Santiago. Sinamahan sila ni Elder Henry D. Moyle (1889–1963) ng Korum ng Labindalawang Apostol noong Hulyo 1956 para itatag ang unang branch sa Chile. Makaraan lang ang ilang buwan, nabinyagan ang unang grupo ng mga taga Chile.
Sa pagdami ng mga miyembro ay lumaki rin ang organisasyon ng Simbahan. Noong Oktubre 1961 binuo ang Chilean Mission, at noong 1983, nabiyayaan ang mga taga Chile ng sariling templo, na inilaan sa Santiago ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008). Kasunod ng malawakang renobasyon ng templo, inilaan itong muli ni Pangulong Hinckley noong 2006.
Narito ang ilang impormasyon tungkol sa Simbahan sa Chile ngayon:
Bilang ng mga Miyembro |
548,628 |
Mga Mission |
9 |
Mga Stake |
75 |
Mga District |
24 |
Mga Ward at Branch |
612 |
Mga Templo |
1 |