Komentaryo
Binago Nito ang Buhay Ko
Nabasa ko na ang Liahona simula nang maging miyembro ako ng Simbahan noong 14 anyos ako. Talagang binago ng magasin ang sarili kong buhay at ang buhay ng aking mga kapamilya. Nagmisyon ako, at nang makapagbinyag kami ng mga bagong miyembro, binigyan ko sila ng suskrisyon sa magasin dahil alam kong matutulungan sila nito gaya ko.
Yormys Gonzalez, Venezuela
Nalaman Ko ang Kahulugan ng Buhay
Ang magasing Liahona ay nagbigay sa akin ng kaalaman, at ang kaalamang ito ay nakatulong sa akin sa pakikitungo ko sa iba. Damang-dama ko ang mga kuwentong nabasa ko, lalo na ang “Paghahanda para sa Misyon” (Okt. 2008, K14) at “Huwag Kalimutan Kailanman na Ikaw ay Isang Mormon” (Ene. 2009, 44). Natulungan ako ng magasin na malaman ang kahulugan ng buhay; nabigyan ako nito ng kapangyarihan.
Hilbert A. Guzman, Philippines
Isang Diwa ng Kapayapaan
Nabasa ko ang mensahe ni Pangulong Thomas S. Monson sa Disyembre 2008 Liahona (“Ang Pinakamagandang Pasko sa Lahat,” 2), at napuspos ako ng diwa ng pagkabukas-palad at kapayapaan. Ang aking isipan ay nakatuon kay Cristo at sa pagsunod sa Kanyang mga yapak. Salamat sa Liahona, sa paghahatid ng napakalaking liwanag at kapayapaan sa aming kaluluwa.
Cristiano Robson Prestes, Brazil