2010
Kailan Dapat Maglingkod?
Pebrero 2010


Paglilingkod sa Simbahan

Kailan Dapat Maglingkod?

Mula sa “Paghahanda para sa Maligayang Pagsasama ng Mag-asawa,” Liahona, Peb. 2006, 19; at mensaheng ibinigay sa Brigham Young University–Idaho noong Abril 7, 2007.

Elder Robert D. Hales

Kapag naaalala niya ang mahirap na mga taong ginugol niya sa Harvard Business School, sinasabi ni Elder Robert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Ginawa ko na lahat ng makakaya ko.” Sa kanyang pag-aaral para sa master’s degree, mga ikatlong bahagi ng mga estudyante—na ginawa ang lahat ng kanilang makakaya—ang bumagsak at inalis dito.

Sa panahong ito nakatanggap si Elder Hales ng tawag na maglingkod bilang elders quorum president. Nag-alala siya sa dagdag na pasanin na maidudulot ng tungkulin sa kanyang iskedyul. “Iyon ay isa sa ilang pagkakataon sa buhay ko na hindi ako agad nakapagsabi ng oo,” paliwanag niya. “Umuwi ako at sinabi sa asawa ko, ‘Baka bumagsak ako sa paaralan kung tatanggapin ko ang tungkuling ito.’ ”

Sumagot si Sister Hales, “Bob, mas gusto ko pang magkaroon ng isang aktibong may taglay na priesthood kaysa isang lalaking may master’s degree sa Harvard.” Pagkatapos ay niyakap siya nito at sinabi pa, “Gagawin natin ito pareho.”

Lumuhod sila para manalangin at pagkatapos umalis para magtrabaho. Ang sumunod na mga buwan ay mahirap, subalit nakayanan nilang “gawin ito pareho.”

Ilang taon na ang nakalipas abala si Elder Hales bilang presidente ng kompanya nang hilingin siyang maglingkod bilang bishop ng kanyang ward. Sampung taon makalipas iyon, noong 1975, samantalang nagtatrabaho bilang bise presidente ng isang malaking korporasyon, natawag siyang assistant sa Korum ng Labindalawang Apostol. Hindi siya nahirapang tanggapin ang mga tungkuling ito.

“Madali lang,” sabi niya. “Napagpasiyahan ko na iyan noong bata pa ako.”

Sa huli sinabi ni Elder Hales, “Sa bawat isa sa inyo darating ang katanungang, ‘Kailan dapat maglingkod?’ Ang pinakamagandang sagot na maibibigay ko sa inyo ay, ‘Kapag hiniling na maglingkod ka.’”

Paglalarawan ni Steve Bunderson