Oras ng Pagbabahagi
Si Jesucristo ang Aking Tagapagligtas at Manunubos
Tagapagligtas at Manunubos ang mga pangalan at tawag kay Jesucristo. Naglalarawan ang mga ito ng Kanyang ginawa para sa lahat ng anak ng Diyos.
Dahil sa Pagkahulog nina Eva at Adan, lahat ay daranas ng kamatayang pisikal. Kapag namatay tayo, ang ating mga espiritu at katawan ay maghihiwalay. Nang mabuhay na muli si Jesucristo, nagsama muli ang Kanyang katawan at espiritu, at hindi na muling maghihiwalay pa. Dahil ginawa Niya ito, lahat tayo ay mabubuhay muli.
Nagbayad din si Jesus para sa ating mga kasalanan upang, kung tayo ay magsisisi, mapapatawad tayo at muling makakapiling Siya at ang Ama sa Langit. Ang sakripisyong ito ay kilala bilang Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Dahil sa Kanyang sakripisyo, si Jesucristo ang ating Tagapagligtas at Manunubos. Ang Pagbabayad-sala ang dakilang pagpapakita ng pagmamahal sa atin ng Ama sa Langit. Ito rin ang dakilang pagpapakita ng pagmamahal ng Tagapagligtas sa Ama sa Langit at sa bawat isa sa atin.
Ang banal na kasulatan sa buwang ito ay nagtuturo tungkol sa Pagbabayad-sala at dakilang pagmamahal sa atin ng Diyos. Nawa ay mapuspos ng pagmamahal at pasasalamat ang inyong puso para sa pinakadakilang kaloob sa atin: ang Kanyang Anak na si Jesucristo.
Pebrero 2010 Journal ng mga Banal na Kasulatan
Basahin ang Juan 3:16 sa Bagong Tipan.
Manalangin para malaman kung totoo ang banal na kasulatang ito. Hilingin na madama ang pagmamahal ng Diyos sa inyo.
Isaulo ang banal na kasulatang ito.
Pumili ng isa sa mga aktibidad na ito, o lumikha ng sariling inyo:
-
Itinuturo ng awit sa Primary na “Isinugo, Kanyang Anak” (Aklat ng mga Awit Pambata, 20–21) kung paano ipinakita ng Ama sa Langit ang Kanyang pagmamahal sa atin. Pag-aralan ang awitin, at sikaping gawin ang sinasabi nito para ipakita ang inyong pagmamahal at pasasalamat sa Tagapagligtas na si Jesucristo.
-
Gupitin at buuin ang puzzle (sa kanan) na nagpapakita ng nagawa ng Pagbabayad- sala para sa bawat isa sa atin. Ibahagi ito sa inyong pamilya.
Paano nakatutulong ang ginawa ninyo para maunawaan ang banal na kasulatang ito?
Magsulat sa inyong journal o magdrowing ng isang larawan tungkol sa ginawa ninyo.