Gumawa ng Garapon para sa Ikapu
Kakailanganin ninyo ng maliit na babasaging garapon, may kulay na gomang panali o yarn, at papel na may kulay.
-
Hugasan at patuyuin ang garapon.
-
Dekorasyunan ang labas ng garapon gamit ang mga gomang panali. Kung wala kayong goma, pwede kayong gumamit ng tali o yarn.
-
Gumupit ng dalawang malalaking bilog sa papel. Ilagay ang mga bilog sa ibabaw ng garapon, at talian ng goma ang paligid nito. Gupitin ang sobrang papel.
-
Gumawa ng hiwa sa ibabaw ng papel na sapat para makalusot ang pera.