2010
Pahina Natin
Pebrero 2010


Ang Ating Pahina

Kendall A., edad 10, Costa Rica

Nang magsimula na akong mag-aral sa elementarya noong nakaraang taon, takot na takot ako na baka malimutan akong sunduin ni Mama sa eskwelahan. Umiyak pa ako pagdating sa eskwelahan. Pero bago mag-umpisa ang klase, nagdasal ako at hiniling sa Ama sa Langit na tulungan akong huwag umiyak at tulungan si Mama na huwag makalimutang sunduin ako sa eskwelahan.

Pagkatapos kong magdasal mas maganda na ang pakiramdam ko at ayoko nang umiyak. Nang uwian na, nakita ko si Mama na naghihintay sa akin sa harap na tarangkahan. Tuwang-tuwa ako dahil pinakinggan at sinagot ng Ama sa Langit ang dasal ko.

YuTing O., edad 7, Taiwan

Gusto ni Yaroslav F., edad 3, na taga Ukraine, ang pahina para sa mga bata sa Liahona. Gusto niyang binabasa sa kanya ng kanyang nanay at tatay ang mga kuwento, at sinisikap niyang maging tulad ni Jesus. Gusto rin niyang tumulong!

Cairon A., edad 5, Pilipinas

Si Addy L., edad 10, na taga West Malaysia, ay mahilig maglaro ng basketbol at badminton kasama ang mga kaibigan niya sa paaralan at sa simbahan. Siya ang kinatawan ng kanyang eskwelahan sa badminton tournament noong 2008 at tumulong na mapanalunan ang kampeonato. Mahilig siyang mangisda at sinusundan niya ang kanyang tatay kahit saan ito pumunta. Mahilig siyang pumunta sa zoo at natutuwa siyang magsimba.

Ginugol namin ang araw kasama ang tiya namin sa tuhod na si Tiya Dionesia at mas nalaman namin ang tungkol sa aming mga ninuno. Ibinahagi namin sa aming pamilya ang natutuhan namin at pagkatapos ay ginamit ang family history Internet site ng Simbahan.

Marcos Elias at Marcos Emanuel M., edad 10, Argentina