Library
Araw ng Sabbath


family home evening

Pag-aaral ng Doktrina

Araw ng Sabbath

Ang Sabbath ay araw ng Panginoon na itinalaga bawat linggo para sa pagpapahinga at pagsamba. Sa panahon ng Lumang Tipan, pinananatiling banal ng mga pinagtipanang tao ng Diyos ang Sabbath tuwing ikapitong araw ng linggo dahil nagpahinga ang Diyos sa ikapitong araw nang likhain Niya ang mundo. Matapos ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, na naganap sa unang araw ng linggo, sinimulan ng mga disipulo ng Panginoon na panatilihing banal ang araw ng Sabbath sa unang araw ng linggo, ang araw ng Linggo.

Buod

Ang Sabbath ay araw ng Panginoon na itinalaga bawat linggo para sa pagpapahinga at pagsamba. Sa panahon ng Lumang Tipan, pinananatiling banal ng mga pinagtipanang tao ng Diyos ang Sabbath tuwing ikapitong araw ng linggo dahil nagpahinga ang Diyos sa ikapitong araw nang likhain Niya ang mundo (tingnan sa Genesis 2:2). Matapos ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, na naganap sa unang araw ng linggo (tingnan sa Marcos 16:2), sinimulan ng mga disipulo ng Panginoon na panatilihing banal ang araw ng Sabbath sa unang araw ng linggo, ang araw ng Linggo (tingnan sa Mga Gawa 20:7).

Binigyang-diin ng Panginoon ang kahalagahan ng pagpapanatiling banal sa araw ng Sabbath sa Sampung Utos nang sabihin Niyang, “Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal” (tingnan sa Exodo 20:8–11). Pinanatiling banal ng mismong Tagapagligtas ang araw ng Sabbath sa panahon ng Kanyang mortal na buhay (tingnan sa Mateo 12:9–13; Lucas 4:16; Juan 5:9).

Sinabi ng Panginoon kay Moises na ang pagpapanatiling banal sa araw ng Sabbath ay tanda ng tipan sa pagitan Niya at ng Kanyang mga tao at kung pananatilihin nila itong banal ay makikilala nila Siya bilang kanilang Panginoon at Diyos (tingnan sa Exodo 31:13; tingnan din sa Ezekiel 20:20).

Sa isang paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith noong 1831, iniutos ng Panginoon:

“Upang lalo pa ninyong mapag-ingatan ang inyong sariling walang bahid-dungis mula sa sanlibutan, kayo ay magtungo sa palanginan at ihandog ang inyong sakramento sa aking banal na araw; sapagkat katotohanang ito ay araw na itinakda sa inyo upang magpahinga mula sa inyong mga gawain, at iukol ang inyong mga pananalangin sa Kataas-taasan” (Doktrina at mga Tipan 59:9–10).

Bilang pagsunod sa paghahayag na ito, sinisikap ng mga miyembro ng Simbahan na panatilihing banal ang araw ng Sabbath sa simbahan at sa tahanan. Sa simbahan, nakikibahagi ang mga miyembro sa sagradong ordenansa ng sacrament, na pinasimulan ni Jesucristo sa Huling Hapunan at noong binisita Niya ang mga Nephita (tingnan sa Mateo 26:26–28; Lucas 22:19–20; 3 Nephi 18:1–12). Sa tahanan, nakikibahagi ang mga miyembro sa mga nagbibigay-inspirasyong aktibidad na tumutulong sa kanila na matutuhan ang ebanghelyo, mapalakas ang pananampalataya kay Jesucristo, mapatibay ang samahan ng pamilya, at makapaglingkod.

Sa pakikibahagi sa mga aktibidad na ito sa simbahan at sa tahanan, ang mga miyembro ay maaaring magkaroon ng mga tradisyon ng pamilya na makatutulong na mapangalagaan ang maraming henerasyon ng mga pamilya na tapat sa Panginoon at tinatawag ang Sabbath bilang isang kasiyahan (tingnan sa Isaias 58:13–14).

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Ano ang dapat kong gawin at hindi ko dapat gawin sa araw ng Sabbath?

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson: “Natutuhan [ko] mula sa mga banal na kasulatan na ang aking kilos at pag-uugali sa Sabbath ay dapat na maging tanda sa pagitan ko at ng aking Ama sa Langit. Dahil sa pagkaunawang iyon, hindi ko na kailangan ng mga listahan ng mga dapat [gawin] at mga hindi dapat gawin. Kapag kailangan kong magpasiya kung ang isang aktibidad ay angkop o hindi sa araw ng Sabbath, tinatanong ko lang ang aking sarili, ‘Anong tanda ang nais kong ibigay sa Diyos?’ Sa tanong na iyon naging napakalinaw sa akin ang mga dapat piliin sa araw ng Sabbath” (“Ang Sabbath ay Kaluguran,” Liahona, Mayo 2015, 130).

Ano ang layunin ng sacrament meeting?

Itinuro ni Elder Dallin H. Oaks: “Ang ordenansa ng sakrament ang nagpapabanal at nagpapahalaga nang lubos sa sakrament miting sa Simbahan. Ito lamang ang miting sa araw ng Sabbath na maaaring daluhan nang sama-sama ng buong pamilya. Ang nakapaloob dito bukod sa sakrament ay dapat palaging pinaplano at isinasagawa para maituon ang ating atensyon sa Pagbabayad-sala at mga turo ng Panginoong Jesucristo” (“Ang Sakrament Miting at ang Sakrament,” Liahona, Nob. 2008, 17–18).

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

Did You Think to Pray? [Naisip Bang Manalangin?]

On This Day of Joy and Gladness

Sabbath Day

Sweet Hour of Prayer [Sintang Oras ng Dalangin]

Resources sa Pag-aaral

Pangkalahatang Resources

Paggalang sa Araw ng Sabbath,” Para sa Lakas ng mga Kabataan

Mga Magasin ng Simbahan

Pagtuturo ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Paggalang sa Araw ng Sabbath,” Liahona, Enero 2014

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento

Media

Musika