2014
Pagtuturo ng Para sa Lakas ng mga Kabataan
Enero 2014


Pagtuturo ng Para sa Lakas ng mga Kabataan

Paggalang sa Araw ng Sabbath

Para sa maraming tao, ang Linggo ay karaniwang araw lamang sa katapusan ng linggo para magpahinga at maglibang. Gayunman, itinuro sa paghahayag noon at ngayon ang kahalagahan ng pagpapanatiling banal ng araw ng Sabbath. Sa mga pahina 56–57 ng isyung ito, tinalakay ni Larry M. Gibson, unang tagapayo sa Young Men general presidency, ang kahalagahan ng paggalang sa araw ng Sabbath. Sabi ni Brother Gibson, “Ang ating paraan sa pagpapanatiling banal ng araw ng Sabbath ay nagpapakita ng pagtupad natin sa ating tipan na laging alalahanin si Jesucristo.”

Habang natututuhan ng inyong mga anak na panatilihing banal ang araw ng Sabbath, magiging handa silang tumanggap ng maraming pagpapala. Tulad ng sinabi ni Brother Gibson, “Kung susundin at ipamumuhay natin ang banal na utos na panatilihing banal ang araw ng Sabbath, ang Panginoon naman ay pagpapalain tayo, papatnubayan tayo, at bibigyan tayo ng inspirasyon sa paglutas ng mga problemang kinakaharap natin.”

Mga Mungkahi sa Pagtuturo sa mga Kabataan

  • Magkakasamang basahin ang artikulo ni Brother Gibson sa mga pahina 56–57. Pagkatapos ay talakayin kung ano ang magagawa ng inyong pamilya bawat linggo para maghanda na mapanatiling banal ang araw ng Sabbath. Sa family home evening, maaari ninyong kantahin ang “Sagradong Himig ay Awitin” (Mga Himno, blg. 87) o iba pang himno tungkol sa Sabbath at talakayin kung ano ang magagawa ng inyong pamilya sa Linggo para mapanatiling banal ang araw ng Sabbath.

  • Isiping basahin sa inyong mga tinedyer ang bahagi tungkol sa paggalang sa araw ng Sabbath sa Para sa Lakas ng mga Kabataan, pati na ang mga talatang nakalista sa dulo. Maaari din kayong sabay-sabay na maghanap ng iba pang mga talata tungkol sa pagpapanatiling banal sa araw ng Sabbath at talakayin ang mga alituntuning nakapaloob sa paggalang sa araw ng Sabbath.

  • Maaari ninyong panoorin ang kaugnay na mga video at basahin ang mga artikulo na kasama ang inyong mga tinedyer. Magpunta sa youth.lds.org at mag-klik sa “For the Strength of Youth” tab sa menu. Pagkatapos ay mag-klik sa bahaging para sa paggalang sa araw ng Sabbath, at makikita ninyo ang kaugnay na mga video at artikulo sa bandang kanan at ilalim ng pahinang iyon.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo sa mga Bata

  • Basahin ang “Bagong Deacon” sa Liahona Oktubre 2013 at talakayin ang kahalagahan ng sakramento sa pagpapanatiling banal sa araw ng Sabbath.

  • Isiping basahin ang “Isang Aral Tungkol sa Pagpipitagan” sa Liahona Marso 2010; maaari din ninyong gawin ang aktibidad na nasa artikulo. Talakayin sa inyong mga anak kung paano nakatutulong ang pagiging mapitagan sa simbahan upang mapanatiling banal ang araw ng Sabbath.

  • Talakayin kung ano ang magagawa ng inyong pamilya sa Linggo bilang paggalang sa Panginoon. Maaari ninyong basahin ang “Magpasiya Ngayon Mismo” mula sa Liahona Marso 2012 para sa halimbawa ng isang tao na pinanatiling banal ang araw ng Sabbath sa mahirap na sitwasyon.

  • Maaari ninyong kantahin ng mga bata ang ilang awiting nauugnay sa Sabbath, kabilang na ang “Sabado” (Aklat ng mga Awit Pambata, 105). Pag-usapan ang mga paraan na magagamit ng inyong pamilya ang Sabado at iba pang mga araw ng linggo para paghandaan ang araw ng Linggo.