2014
Pagdaragdag sa Tagumpay
Enero 2014


Pagdaragdag sa Tagumpay

Ang awtor ay naninirahan sa São Paulo, Brazil.

young man at the beginning of a path

Paglalarawan ni J. Beth Jepson

Noong 14 anyos ako, nakita ng titser ko sa physics ang talento ko sa matematika at isinali ako sa Brazilian Mathematics Olympiad. May tatlong bahagi iyon. Ang una at pangalawa ay gaganapin sa araw ng Sabado. Napasama ako sa ikatlong bahagi at nakita ko na gaganapin ito sa loob ng dalawang araw, Sabado at Linggo.

Sa gayo’y sinabi ko sa titser ko at sa direktor ng Olympiad na hindi ako kukuha ng test sa araw ng ilang Linggo dahil ito ang araw ng Panginoon. Pinakausap sa akin ng direktor ko ang mga lider ng aking Simbahan para malaya akong makakuha ng test sa araw ng Linggo, dahil kung hindi ko kukunin ito, idi-disqualify ako. Sinabi ko na kaya kong isakripisyo ang lahat huwag lang ang Diyos.

Hindi ako nalungkot, dahil umasa ako na iginagalang ng Diyos ang mga taong gumagalang sa Kanya. Naalala ko ang Mateo 6:33: “Hanapin muna ninyo ang [kaharian ng Diyos], at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.”

Makalipas ang ilang linggo kinontak namin ang kalihim ng Olympiad, na nagsabing hindi ko puwedeng kunin ang test sa ibang araw at na madi-disqualify ako. Matapos ang matagal na pag-uusap, iminungkahi niya na mag-email ako sa kanya para ipaliwanag ang sitwasyon ko. Pagkatapos kong mag-email, nanalangin ako sa Ama sa Langit at sinabi ko na susundin ko ang Kanyang kalooban.

Nang sumunod na gabi, nakatanggap ako ng email mula sa coordinator na nagsasabing maaari kong kunin sa Lunes ang test na para sa araw ng Linggo sa oras na pinakamaluwag sa akin, at nag-alok pa siyang ibigay sa akin ang test sa sarili kong lungsod para hindi ako mahuli sa klase ko sa umaga sa paaralan.

Matapos matanggap ang magandang balitang ito, nanalangin ako para pasalamatan ang Panginoon dahil tinulungan Niya ako. Nagpunta ang mga magulang ko sa templo para magpasalamat.

Nang lumabas ang mga resulta ng test, nakatanggap ako ng gintong medalya. Iginagalang ng Panginoon ang mga gumagalang sa Kanya.