2014
Kami sina Mahonri at Helaman mula sa Mexico
Enero 2014


Mga Kaibigan sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

¡Hola, amigos!*

Kami sina Mahonri at Helaman mula sa Mexico

Mag-empake na kayo! Halinang makipagkilala sa mga kaibigan sa buong mundo!

Sina Mahonri at Helaman ay magkapatid na nakatira sa baybayin ng Mexico. Isinunod ng mga magulang nila ang kanilang pangalan sa dalawang dakilang lalaki sa Aklat ni Mormon. Si Mahonri Moriancumer ang kapatid ni Jared. Nakita niya ang daliri ng Panginoon. Si Kapitan Helaman ay isang mabuting pinuno. Pinamunuan niya ang dalawang libong kabataang mandirigma.

Umaasa ang magkapatid na ito na maging karapat-dapat sa mga pangalang ibinigay sa kanila ng kanilang mga magulang. Nais nilang maging katulad nina Mahonri at Helaman sa Aklat ni Mormon.

Ang aming mga magulang ay ibinuklod sa Guadalajara Mexico Temple noong 2003. Ito ang pinakamalapit na templo sa aming tirahan. Mga anim na oras ang biyahe para makarating doon. Gustung-gusto naming bumisita sa templo at alam namin na balang-araw ay papasok kami sa loob niyon, tulad ng ginagawa ng aming mga magulang ngayon.

Nasisiyahan kaming magsama-sama bilang pamilya. Tuwing Sabado nagpupunta kami sa dalampasigan malapit sa bahay namin. Kumakain kami ng hipon—ang paborito naming pagkain—at tacos at tortas (isang uri ng sandwich). Naglalakad-lakad kami sa Malecón, o kalsada sa harap ng dalampasigan. Gumagawa kami ng mga kastilyo sa buhangin at naglalaro sa dagat.

  • “Hi, mga kaibigan!” sa Espanyol.

Templo’y Ibig Makita

Ang Guadalajara Mexico Temple ang ika-11 sa 13 templo sa Mexico.

Handa na silang umalis!

Ang mga bag nina Mahonri at Helaman ay puno ng ilan sa paborito nilang mga bagay. Alin sa mga bagay na ito ang ieempake ninyo sa inyong bag?

Mga larawang kuha ni Juan Carlos Santoyo; paglalarawan ni Thomas Child