2014
Kailangan bang magmisyon kaagad ang mga kabataang lalaki pagtuntong nila sa edad na 18? At mas hinihikayat bang magmisyon ang mga kabataang babae ngayong puwede na silang magmisyon sa edad na 19?
Enero 2014


Kailangan bang magmisyon kaagad ang mga kabataang lalaki pagtuntong nila sa edad na 18? At mas hinihikayat bang magmisyon ang mga kabataang babae ngayong puwede na silang magmisyon sa edad na 19?

Nang ibalita ni Pangulong Thomas S. Monson ang pagbabago sa edad ng pagiging marapat na maglingkod sa misyon, sabi niya, “Hindi ko sinasabing lahat ng kabataang lalaki ay maglilingkod—o dapat—maglingkod sa mas batang edad na ito. Sa halip, batay sa karanasan ng indibiduwal, gayundin sa [pagpapasiya] ng mga lider ng priesthood, maaari na ngayong gawin ito.”1 Isipin ang inyong pisikal at emosyonal na kalusugan, pinansiyal na paghahanda, at espirituwal na paghahanda. Maisasangguni ninyo sa mga magulang at lider ng priesthood ang mga bagay na ito kapag nagpapasiya kayo tungkol sa tamang panahon para maglingkod.

Hinggil sa mga kabataang babae, sinabi ni Pangulong Monson, “Hindi mahigpit ang utos [sa mga kabataang babae na] maglingkod na gaya sa mga kabataang lalaki. Tinitiyak namin sa kadalagahan ng Simbahan, gayunman, na mahalaga ang nagagawa nilang kontribusyon bilang mga misyonera, at malugod naming tinatanggap ang kanilang paglilingkod.”2

Mga Tala

  1. Thomas S. Monson, “Pagbati sa Kumperensya,” Liahona, Nob. 2012, 4–5.

  2. Thomas S. Monson, “Pagbati sa Kumperensya,” 5.