2014
Moroni 10:32
Enero 2014


Taludtod sa Taludtod

Moroni 10:32

Ang tema ng Mutwal ngayong taon ay isang paanyaya mula kay Moroni na sundin ang Tagapagligtas.

32 Oo, lumapit kay Cristo, at maging ganap sa kanya, at pagkaitan ang inyong sarili ng lahat ng kasamaan; at kung inyong pagkakaitan ang sarili ng lahat ng kasamaan, at iibigin ang Diyos nang buo ninyong kakayahan, pag-iisip at lakas, kung magkagayon ang kanyang biyaya ay sapat sa inyo, upang sa pamamagitan ng kanyang biyaya kayo ay maging ganap kay Cristo; at kung sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos kayo ay ganap kay Cristo, wala kayong dahilang magtatwa sa kapangyarihan ng Diyos.

Lumapit Kay Cristo

Ang mga banal na kasulatan ay naglalaman ng maraming paanyaya na lumapit kay Cristo. Hanapin ang ilang halimbawang nakalista sa ibaba. Ano ang itinuturo sa inyo ng mga banal na kasulatang ito tungkol sa mga pagpapala ng paglapit sa Tagapagligtas? Makakahanap ba kayo ng iba pang mga banal na kasulatan na may ganitong paanyaya?

Maging Ganap sa Kanya

Elder Russell M. Nelson

“Hindi tayo dapat masiraan ng loob kung ang taimtim nating mga pagsisikap na maging sakdal ngayon ay parang napakahirap at walang katapusan. Ang pagiging sakdal ay hindi darating nang lubusan. Darating lamang ito nang lubusan pagkaraan ng Pagkabuhay na Mag-uli at sa pamamagitan lamang ng Panginoon. Naghihintay ito sa lahat ng nagmamahal sa kanya at sumusunod sa kanyang mga kautusan.”

Elder Russell M. Nelson ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Perfection Pending,” Ensign, Nob. 1995, 88.

Pag-ibig ng Diyos

Paano ninyo maipapakita sa Ama sa Langit na mahal ninyo Siya? Pag-isipan ang mga ideyang ito at magbigay pa ng sarili ninyong mga ideya. Sa iyong journal, isulat kung ano ang gagawin mo.

  • Sundin ang mga kautusan.

  • Mahalin at paglingkuran ang kapwa.

  • Gampanan ang mga tungkulin sa Simbahan.

  • Manalangin nang taimtim.

Ang Kanyang Biyaya ay Sapat sa Inyo

Elder Dallin H. Oaks

“Pinararatangan ng ilang Kristiyano ang mga Banal sa mga Huling Araw … na tinatanggihan nila ang biyaya ng Diyos sa pagsasabing kaya nilang iligtas ang kanilang sarili. Sinasagot namin ang paratang na ito … , ‘Sapagkat masigasig kaming gumagawa … upang hikayatin ang ating mga anak … na maniwala kay Cristo, at makipagkasundo sa Diyos; sapagkat nalalaman naming naligtas tayo sa pamamagitan ng biyaya, sa kabila ng lahat ng ating magagawa’ (2 Ne. 25:23). At ano ang ibig sabihin ng ‘lahat ng ating magagawa’? Tiyak na kabilang diyan ang pagsisisi (tingnan sa Alma 24:11) at binyag, pagsunod sa mga kautusan, at pagtitiis hanggang wakas.”

Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Have You Been Saved?” Liahona, Hulyo 1998, 68.

Biyaya

“Ang salitang biyaya, ayon sa gamit sa mga banal na kasulatan, higit sa lahat ay tumutukoy sa banal na tulong at lakas na natatanggap natin sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ng Panginoong Jesucristo.”

Tapat sa Pananampalataya: Isang Sanggunian sa Ebanghelyo (2006), 13.

Ganap Kay Cristo

Ang ibig sabihin ng ganap, ayon sa gamit sa mga banal na kasulatan, ay “husto, buo, at lubos na maunlad; lubos na matwid. Ang ganap ay maaaring mangahulugan din na walang sala o kasamaan. Si Cristo lamang ang lubos na ganap. Ang mga tunay na tagasunod ni Cristo ay maaaring maging ganap sa pamamagitan ng kanyang biyaya at pagbabayad-sala” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, ”Ganap,” scriptures.lds.org).

Hindi kailanman

Hindi kailanman—Walang paraan o hinding-hindi.

Product Shot from January 2014 New Era

Grapic ng The Design Farm