2014
Ang Ating Pahina
Enero 2014


Ang Ating Pahina

Mula pa noong maliit ako, naturuan na ako ng nanay at tatay ko tungkol sa templo. Malayo ito, pero gustung-gusto kong pumunta roon na kasama ang pamilya ko. Nang ibuklod ako sa mga magulang ko, nakapasok din ako roon sa wakas—napakaganda nito. Ngayon kapag nagpupunta kami, naghihintay lang ako sa labas. Paglaki ko, gagawa ako ng sarili kong mga tipan sa templo.

David V., edad 6, Nicaragua

Alam ko na si Jesucristo ay buhay at na nagmamalasakit Siya sa ating lahat, at alam ko na ang Simbahan ay totoo.

Osiris M., edad 6, Brazil

Tris M., edad 8, Brazil

Talagang gusto kong kantahin ang mga himno ng Simbahan at makibahagi sa family home evening kasama ang aking pamilya. May dalawa akong nakababatang kapatid, sina Jared at Sarai, at mahal na mahal ko sila. Gusto kong tulungan ang nanay ko kapag nagluluto siya dahil paglaki ko, gusto kong mahusay rin akong magluto na tulad niya.

Ambar A., edad 9, Ecuador

Gusto kong tinutulungan ang nanay ko sa family home evening. Gustong magpunta ng pamilya namin sa templo para magkasama-sama kami magpakailanman. Paglaki ko, gusto kong magmisyon tulad ng mga pinsan ko. Mahal ko ang Ama sa Langit at ang propeta, si Pangulong Thomas S. Monson. Gusto ko ang awit sa Primary na “Ang Simbahan ni Jesucristo.”

Keydi P., edad 12, Honduras

Đ. Văn Hiêp, edad 11, Cambodia

Tinuturuan na ako sa ebanghelyo noon pa mang maliit ako. Noong walong taong gulang na ako, nagpasiya akong magpabinyag. Isinaulo ko ang lahat ng 13 saligan ng pananampalataya para sa espesyal na araw na iyon. Nang umahon ako mula sa tubig, may nadama akong napakalakas. Sabi ng nanay ko, ang damdaming iyon daw ay nagmula sa Espiritu Santo. Alam ko na ipinanumbalik ni Joseph Smith ang Simbahan ni Jesucristo, na ang Aklat ni Mormon ay totoo, at na si Thomas S. Monson ay isang buhay na propeta.

Abigail A., edad 8, Spain