2010
Ang Espiritu Santo ay Nagpapatotoo sa Katotohanan ng Lahat ng Bagay
Hunyo 2010


Oras ng Pagbabahagi

Ang Espiritu Santo ay Nagpapatotoo sa Katotohanan ng Lahat ng Bagay

Sa Aklat ni Mormon mababasa natin ang tungkol kay Lehi at sa kanyang pamilya. Inakay sila ng Ama sa Langit sa isang bagong tahanan sa isang piling lupain. Tumanggap si Lehi ng kagila-gilalas na kaloob mula sa Diyos: isang bolang bilog na may dalawang ikiran na “itinuturo ang daan kung saan [sila] nararapat magtungo” (1 Nephi 16:10). Ang kaloob o regalo ay tinatawag na Liahona. Sabi ni Nephi ang Liahona ay “gumagalaw alinsunod sa [ating] pananampalataya at pagsisikap at pagsunod” (1 Nephi 16:28). Natutuhan ng pamilya ni Lehi na sundin ang mga direksyon ng Liahona.

Tatanggap tayo ng kagila-gilalas na kaloob kapag tayo ay nabinyagan at nakumpirma. Ito ang kaloob na Espiritu Santo. Ang kaloob na Espiritu Santo ay parang Liahona. Maaari tayong matutong sundin ang Espiritu Santo. Kung susundin natin ang Kanyang mga panghihikayat, makababalik tayong muli sa piling ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Hunyo 2010 Journal Tungkol sa mga Banal na Kasulatan

Basahin ang Moroni 10:5.

Manalangin sa Ama sa Langit upang malaman na tutulungan kayo ng Espiritu Santo.

Isaulo ang Moroni 10:5.

Pumili ng isa sa mga aktibidad na ito, o lumikha ng sariling inyo:

  • Tulungan ang iba na maisaulo ang Moroni 10:5.

  • Pilasin ang aktibidad sa Liahona sa pahina 65, at idikit ito sa makapal na papel. Gupitin ang mga bilog at ang dalawang bahaging may putul-putol na linya. Pagkabit-kabitin ang mga bilog gamit ang metal fastener. Basahin ang tanong sa bahaging gugupitin, at hanapin ang sagot dito sa reperensya sa banal na kasulatan sa kabilang bintana. Maisusulat ninyo ang sagot sa inyong journal tungkol sa mga banal na kasulatan.

  • Isulat sa inyong journal kung ilang beses ninyo nadama ang Espiritu Santo. Ang pagkilala sa Kanyang tulong noon ay tutulong sa inyo na pakinggan at sundin ang Kanyang mga pahiwatig sa hinaharap.

  • Kausapin ang inyong mga magulang, guro, o kaibigan tungkol sa mga pagkakataong naakay sila ng Espiritu Santo.

Magsulat sa inyong journal o magdrowing ng isang larawan tungkol sa ginawa ninyo. Paano nakakatulong ang inyong nagawa para maunawaan ninyo ang Moroni 10:5?

Sino ang magtuturo at magpapaalala sa akin ng lahat ng bagay?

Juan 14:26

Paano nangungusap sa atin ang Espiritu Santo?

D at T 8:2

Paano ko makikilala ang tinig ng Espiritu Santo?

Helaman 5:30

Paano ko malalaman ang katotohanan ng lahat ng bagay?

Moroni 10:5

Paglalarawan ni James Johnson