2010
Paano Kayo Gumamit ng mga Electronic Device?
Hunyo 2010


Paano Kayo Gumamit ng mga Electronic Device?

Mga cell phone, e-mail, text message—napakaraming magagandang paraan para makausap ang mga kaibigan at kapamilya mo. Alam mo ba kung kailan nararapat gamitin ang mga ito?

1 Katatanggap mo ng regalo mula sa lola mo para sa kaarawan mo. Ipinaalala sa iyo ng nanay mo na padalhan siya ng maikling liham ng pasasalamat, pero sa halip ay gusto mong mag-e-mail na lang sa kanya. Ano ang gagawin mo?

  1. Padalhan ng e-mail si Lola.

  2. Padalhan siya ng maikling liham na sulat-kamay mo.

2 Pinadalhan ka ng e-mail ni Mary at iniimbitahan ka sa kanyang birthday party. Gusto mong ipadala ang e-mail message sa matalik mong kaibigang si Sarah. Ano ang dapat mong gawin?

  1. Ipadala ang e-mail kay Sarah para alam din niya ang tungkol sa party.

  2. Huwag mong ikalat ang e-mail.

3 Oras na para mag-family home evening. Gusto mo pang maglaro ng computer game mo hangga’t hindi pa nagsisimula ang lesson. Ano ang gagawin mo?

  1. Tatapusin mo ang game o laro habang kinakanta ng pamilya mo ang pambungad na awitin.

  2. Papatayin ang computer, at kakanta kasabay ng iyong pamilya.

4 Binigyan ka ng bagong cell phone ng mga magulang mo para sa emergency. Gusto mong tawagan ang kaibigan mo para makita ng ibang mga kaeskuwela mo ang phone mo. Ano ang gagawin mo?

  1. Magtatatawag ka, para lang ipagyabang ang bago mong phone.

  2. Itatago ang iyong phone sa backpack mo.

5 Gusto ng kaibigan mong si Cristina na maglaro kayo ng football, pero nagte-text ka sa kaibigan mong si Jacob. Ano ang gagawin mo?

  1. Sasabihin mo kay Cristina na bukas na lang kayo maglaro para patuloy mong mai-text si Jacob.

  2. Sasabihin mo kay Jacob na susulatan mo na lang siya mamaya para makalaro mo ng football si Cristina.

Sumagot ka ba ng a sa alinman sa mga tanong? Kung gayon, tingnan mo ang mga ideyang ito para mapaghusay mo ang paggamit ng mga electronic device.

  1. Ang E-mail ay mabilis na paraan ng pakikipag-ugnayan, ngunit ang paggugol ng oras para magpadala ng maikling liham ng pasasalamat ay magpapakita sa lola mo kung gaano mo siya kamahal at gaano mo pinahahalagahan ang kanyang regalo. Maaari mo rin siyang tawagan para pasalamatan.

  2. Ang pagpapadala ng e-mail ng isang kaibigan sa isa pang kaibigan ay parang pagbubunyag ng sekreto. Kung pinadalhan ka ng kaibigan mo ng mensaheng para lang sa iyo, huwag mong ipakita sa iba ang mensaheng iyan. Sa gayon ay hindi masasaktan ang damdamin ni Sarah kung hindi man siya imbitahan sa party.

  3. Masaya ang computer games, pero mahalaga ang family home evening. Sumali sa pagkanta ng pambungad na awitin, at saka ka na lang maglaro ng computer game.

  4. Kung binilhan ka ng mga magulang mo ng cell phone para sa emergency, hindi mo dapat gamitin ito sa pagtawag sa mga kaibigan. Gayundin, baka mainggit ang ibang mga bata kung ipagyayabang mo ito.

  5. Magandang makausap ang mga kaibigang hindi mo kasama, pero mas mabuting mag-ukol ng oras na personal na makasama ang mga kaibigan. Sikaping limitahan ang oras mo sa computer para personal kang makapag-ukol ng oras sa mga kaibigan mo.

Paglalarawan ni John Luke