2010
Ikapu—Isang Utos Maging sa mga Dukha
Hunyo 2010


Sa mga Salita ng mga Lider ng Simbahan

Ikapu—Isang Utos Maging sa mga Dukha

Mula sa isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 2005.

Elder Lynn G. Robbins

Noong Oktubre ng 1998 winasak ng Bagyong Mitch ang maraming bahagi ng Central America. Lubhang nag-alala si Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) sa mga biktima ng kalamidad na ito, na marami ang nawalan ng lahat—pagkain, damit, at mga gamit sa bahay. Dinalaw niya ang mga Banal sa mga lungsod ng San Pedro Sula at Tegucigalpa, Honduras; at Managua, Nicaragua. At gaya ng sabi ng mapagmahal na propetang si Elijah sa gutom na balo, gayon din ang mensahe ng makabagong propetang ito sa bawat lungsod—magsakripisyo at sundin ang batas ng ikapu.

Pero paano ninyo hihilingang magsakripisyo ang isang taong dukhang-dukha? Batid ni Pangulong Hinckley na makakatulong ang natanggap nilang padalang pagkain at mga damit para malagpasan nila ang krisis, pero higit pa roon ang pag-aalala at pagmamahal niya sa kanila. Mahalaga man ang magkawanggawa, batid niya na ang pinakamahalagang tulong ay nagmumula sa Diyos, hindi sa tao. Nais ng propeta na tulungan silang mabuksan ang mga dungawan ng langit tulad ng pangako ng Panginoon sa aklat ni Malakias (tingnan sa Malakias 3:10; Mosias 2:24).

Itinuro sa kanila ni Pangulong Hinckley na kung babayaran nila ang kanilang ikapu palagi silang may pagkain sa mesa, palagi silang may damit na isusuot, at palagi silang may bubong sa kanilang ulunan.

Dinalaw ni Pangulong Gordon B. Hinckley ang mga miyembro ng Simbahan sa Honduras pagkatapos ng bagyo noong 1998.